Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-2 na labas

“Andrea please, calm down, ito na ang gabing pinakahihintay mo, go and get him!” kumbinsi niya sa sarili. Pero hindi niya makumbinsi ang sarili. Parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya.

“Hindi, hindi dapat, hindi ka dapat nag-iinarte ng ganito! Ang tagal mong nagpapansin kay Miguel at ngayong sa’yong-sayo na siya pakiusap, enjoyin mo na lang!” patuloy na kumbinsi ni Andrea sa sarili.

Nang magulantang siya sa sunud-sunod na katok ng lalaki sa pinto ng banyo.

“AY KABAYO!” bulalas pa niya sa sarili.

“Honey, hide and seek ba talaga ang gusto mong tema ng honeymoon natin?” malambing na sigaw nito mula sa labas.

“Yes honey, lalabas na ako, I’m coming!” buong lambing din na tugon ni Andrea.

Muli ay isang malalim na inhale exhale ang pinakawalan ng bride bago ito muling humarap sa groom.

“Are you ready?” pabulong at tila nanunuksong tanong ng lalaki.

“Yes, I am ready!” sakay naman ni Andrea sa panunukso nito na bumaba pa ang tingin sa ipinagmamalaki ng kanyang groom.

Tinalikuran ng groom ang bride niya bago mu­ling nagsalita.

“Kung gano’n, come and get me…”

“Ha? teka, hindi mo ba’ko bubuhatin ulit?”

“Pasarap ka?” natatawang tanong ng lalaki.

“Ah ganern, okay humanda ka, matitikman mo ang pinakamasarap na romansa sa balat ng lupa!”

Sa aktong tatakbuhin na ni Andrea ang ilang hakbang na distansya patungo sa silid nila nang bigla siyang makaisip ng dahilan para muli siyang buhatin ng asawa. Kunwari ay na-out of balance siya  at nadapa.

Related Posts

“Aray!”

Agad naman siyang sinaklolohan ng asawa nang malingunan siya nito.

“Honey, are you okay?”

“Mukha ba’kong okay?”

“Sige, kumapit ka at bubuhatin kita.”

“T-talaga?”

Hindi na sumagot ang lalaki at sa halip ay kinarga na nito ang babae papasok sa silid. Palihim namang napangiti si Andrea dahil effective ang drama niya.

Muling inumpisahan ng lalaki ang pagromansa sa kanyang bride nang…
“T-teka lang..”

“Bakit na naman?”

“N-nakalimutan ko kasi, hindi pa pala ako nag-toothbrush…” sabay amoy pa ni Andrea sa palad niya ng sariling hininga. Palusot lang niya ito para muling makatakas sa makapigil hiningang eksena na iyon na nakatakdang maganap sa buhay niya.

Napapailing na muling nagpasensya ang lalaki. Habang wala ang babae ay nagsindi ito ng sigarilyo at inis na hinithit ito. Bago pa niya ito maubos ay nakabalik na ang babae.

“N-naninigarilyo ka, kelan pa?” gulat na tanong ni Andrea.

“Ha? ano kasi, alam mo na, gusto ko lang subukan, sabi kasi nila pampatanggal daw ito ng nerbyos…” itinapon ng lalaki ang natitira pang sigarilyo sa labas ng bintana ng kuwarto. Isinara niya ito pagkatapos.

“Ninenerbyos ka rin ba?” muling tanong ni Andrea.

“Of course naman honey, ito ang first night natin di’ba?”

Nilapitan ni Andrea ang lalaki at ikinawit ang dalawang kamay sa leeg nito.

“I’m sorry hon, pareho pala tayong kinakabahan… sorry kung…”  (Itutuloy)