Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-19 na labas

Umaga. Naramdaman ni Andrea ang mahinang pagyugyog sa kanya ni Michael.

“Honey wake up…”

Abante Hiring – IT dep

“Ano ba, natutulog  pa ‘yong tao eh…”

“I know, pero kaila­ngan mo nang gumising, kailangan maaga tayo kina mom.”

“Inaantok pa’ko…”

Isang masuyong halik sa labi ang nagpamulat sa mga mata ni Andrea. Napabalikwas siya ng bangon sabay tulak kay Michael.

“Baliw ka!”

“Oo, nababaliw na talaga ako sa’yo, kaya pwede ba, ayusin mo na ang sarili mo para makaalis na tayo, 9am na!”

Inis na binato ni Andrea ng unan si Michael bago lumabas ng silid.

Isang simpleng party lang ang inihanda ng mga Avelino para sa ilaw ng kanilang taha­nan.

Mga pinakamalalapit na kamag-anak lang at kaibigan ang naimbitahan.

“Miguel! Andrea!” salubong sa kanila ni Mrs.Maida Avelino. Kapwa nito hinalikan sa pisngi ang dalawa.

“Happy birthday mom.” Halos sabay na bati ng mag-asawa.

“Andrea, ang mama at papa mo makakara­ting ba sila?”

“Gustong-gusto po nila, kaya lang po nagkaproblema po sila sa bukid eh, iyon po kasing nabili nila e may naghahabol po.”

“Ganon ba?”

“Pero tumawag po si mama at pinapaabot po niya ang pagbati nila ni papa.”

“Salamat kamo.”

Lumapit sa kanila si Mr. Avelino.

“O Miguel, mabuti naman at nandito na pala kayo, yung kakambal mong walang kuwenta ni hindi man lang magparamdam kahit na alam niyang birthday ng mommy nyo.”

Napakuyom ang palad ni Michael. Nakita iyon ni Andrea kaya’t maagap nitong hinawakan ang kamay ng lalaki bilang pagsuporta dito at saka ngumiti.

“Ahm, dad baka naman po busy kasi si Michael, saka baka bumati rin po iyon kay mommy mamaya, maaga pa naman po.” Singit ni Andrea.

“Hindi mo kilala si Michael Andrea, walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang sarili niya.

Mabuti na nga lang itong si Miguel at maasahan namin sa lahat ng bagay,siyanga pala Miguel kailangan mo nang bumalik sa opisina mo, marami ng trabaho ang naghihintay sa’yo.”

“Yes dad…balak ko po talaga after mom’s birthday.”

Ang maikling usapan na iyon ay sapat na para mabago ang magandang mood ni Michael.

Lumayo ito sa mga magulang at maging kay Andrea. Hindi naman makawala si Andrea sa mommy ni Michael. Magiliw siya nitong ipinapakilala sa mga amigang hindi nakadalo sa kasal ng anak. Sa kabila nito ay hindi maiwasan ni Andrea na makadama ng pag-aalala.

Related Posts

Palihim niyang sinusulyapan ang asawa na nanatiling nakadistansya sa lahat hawak ang isang kopita ng alak.

Nang sa wakas ay makahanap ng tiyempo si Andrea ay nakawala din siya sa biyenan.

“Mom, lalapitan ko lang po si Michael.”

“Go ahead hija.”

Nakaupo si Michael sa pinakadulong baitang ng mataas nilang hagdanan sa pinaka-entrance ng bahay.

“Michael, plano mo bang maupo rito hanggang mamaya?” bungad ni Andrea nang makalapit siya dito.

“I just want to be alone.”

“Alone? E di sana hindi mo na ako isinama rito or let’s just go home.”

“You know what Andrea, kung wala kang magandang sasabihin, just leave me alone.”

Sa halip na talikuran ang lalaki ay naupo pa si Andrea sa tabi nito.

“Okay fine, alam ko nasaktan ka sa sinabi ng dad mo tungkol sa’yo, e diba alam mo na naman sa sarili mo na totoo lang ang sinabi niya…yun nga lang mas masakit talagang marinig kapag nanggaling sa iba, lalo na kung sa sarili mong magulang…”

Hindi kumibo si Michael. Nilaro-laro ang natitira pang wine sa kopita.

“Michael, kung hindi ka na okay dito, umuwi na tayo.”

Hindi pa rin kumibo ang lalaki. Sa halip ay sinaid nito ang wine hanggang sa huling patak.

Tumayo si Andrea at nilapitan ang mga biyenan.

“Mom, I am sorry, I think I have to go…sumama po kasi ang pakiramdam ko eh…”

“What? Gusto mo bang pasamahan kita sa doctor or magpahinga na lang muna sa itaas?” ang mommy ni Michael.

“No mom, just a head ache, may gamot po ako sa bahay.”

“Ganon ba, e di si­ge, kung hindi na kita mapipigilan.”

“Happy birthday again mom, sana po magustuhan nyo ang gift namin sa inyo ni Michael, I mean ni Miguel.

Nakipag-beso si Andrea sa biyenan bago ito tuluyang iniwan.

Dinaanan ni Andrea si Michael na nasa puwesto pa rin nito.

“Andrea, saan ka pupunta?”

“Uuwi, nagpaalam na’ko sa mommy mo.”

“What?”

“What what ka diyan, basta uuwi na’ko!”

Hinabol ni Michael si Andrea at nahawakan niya ito sa braso.

“At iiwan mo talaga ako dito?”

“Michael, alam ko na hindi na okay ang pakiramdam mo, so bakit pa tayo magtatagal dito, gaano katagal mo balak maupo sa hagdanan ha?” (Itutuloy)