Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-17 na labas

“Hindi ako uuwi nang hindi ka kasama.”

“Fine.”

Nagsimulang humakbang palayo si Andrea pero muli siyang pinigilan ni Michael.

“Michael ano ba?”

“Ano ba rin?”

Walang sabi-sabing binuhat ni Michael ang asawa na nabigla at nagpipiglas.

“Ibaba mo nga ako, ano ba!”

Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay kinarga nito si Andrea hanggang sa maipasok niya sa sasakyan.

“Michael ano ba ‘tong ginagawa mo?”

Hindi pa rin sumagot si Michael. Pinaandar na nito ang sasakyan. Walang nagawa si Andrea kundi manahimik na lang muna. Wala silang kibuan hanggang sa marating nila ang apartment.

Nang makapasok sa loob ay big­lang tumunog ang cellphone ni ­Andrea. Si Lora.

“Nasaan ka na?”

“Kinidnap ako.”

“WHAT?”

Related Posts

“Kinidnap ako ni Michael, nandito ako ngayon sa apartment niya…”

Hindi masiguro ni Lora kung may nahimigan ba siyang pagmamaktol sa tinig ng kaibigan o himig ng pag-sang-ayon.

“Okay, call ulit ako bukas, baka makaistorbo pa’ko sa inyo!” may kasunod na tawa ang sinabi ni Lora.

“Istorbo ka diyan? Hello bff? Lora? Hello!”

Pero wala na si Lora sa kabilang linya.

Nakapagpalit na ng pangtulog si Michael. Tuwang-tuwa ito na naiuwi niya ang asawa.

Nailing na binitiwan ni Andrea ang cellphone at ipinasok sa loob ng hand bag niya. Napatingin siya kay Michael na nakatitig sa kanya.

“Ano bang tinitingin-tingin mo diyan?”

“Masama bang tingnan ka?”

Hindi sumagot si Andrea sa halip ay dumiretso ito sa kuwarto. Naiwan namang may ngiti sa labi si Michael.

Pagpasok ni Andrea sa kuwarto ay ini-lock agad niya ito para hindi makasunod ang asawa. Sumandal siya sa likod ng pintuan at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng kuwarto lalo na ang kama. Nanariwa sa isip niya ang unang gabi na pinangarap niya sa piling ni Miguel…

ang unang gabi ng kanilang kasal… ng kasal nila ni Michael… napailing si Andrea sa isiping iyon.

Nakakatawa ba iyon o nakakaawa?

“ANDREA?” si Michael na kumakatok.

Hindi sumagot si Andrea.

“Andrea, open the door, ayoko ng matulog sa sofa!” (Itutuloy)