Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 559

Ika-16 na labas

Hindi naman maiwasan ni Miguel na madurog ang puso sa mga sandaling iyon. Nasa harapan niya ngayon ang babaeng pinag-ukulan din niya ng pagmamahal sa loob ng dalawang taon, subalit isang uri ng pagmamahal na hindi sa paraang gusto nito.

At hindi niya inaasahan na sa kabila ng puro kabutihang ipinakita nito sa kanya ay masasaktan niya ito ng ganun-ganon na lang. Isang sakit na maski yata panahon ay hindi kayang gamutin. Ano ba ang dapat niyang sabihin ngayon maliban sa I’m sorry?

Abante Hiring – IT dep

Lumipat ang paningin ni Andrea sa lalaking luma­bas mula sa bathroom. Nakatapis pa ito ng tuwalya. Si Louie. Halatang nagulat din ito nang makita siya. Naglipat ang tingin niya dito at kay Miguel.

Sa sobrang dami ng gustong sabihin ay walang lumabas maski isang letra sa bibig ni Andrea, sa halip ay isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ni Miguel, na sa sobrang lakas ay napapiling ito.

Matapos sampalin si Miguel ay tinalikuran ito ni Andrea at si Michael naman ang hinarap. Dalawang sampal naman ang ibinigay niya rito.

“T-teka, ba’t dalawa ang sa akin?”

“Dahil dalawang beses mo akong niloko, una nang makipagsabwatan ka, pangalawa nang sabihin mo sa aking wala kang alam kung nasaan siya!” pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas ng rest house si Andrea.

Hinabol siya ni Michael.

“Andrea, wait!”

Humarap si Andrea.

“Wag na wag mo akong susundan kung ayaw mong matikman ang pangatlo!”

“Okay lang sige, kahit sampu pa ‘yan, basta payagan mo lang akong samahan ka!”

Sumenyas ng stop si Andrea.

“Please, not this time!”

Labag man sa kalooban ay hindi na nga nagawang sumunod ni Michael.

Nakabalik na sa Pilipinas si Andrea. Nang mag-isa. Sa bahay ng bestfriend niyang si Lora siya tumuloy. Pagkakita niya rito ay yumakap agad siya.

“O, bff, ba’t hindi ka nagsabing darating ka na pala!” gulat na bungad ni Lora habang nanatili sa pagkakayakap sa kanya si Andrea.

Inalis niya ang mga kamay ni Andrea at iniangat ang mukha nito.

“Umiiyak ka ba bff?”

Hindi sumagot si Andrea pero tumango ito. Hinawakan ni Lora ang kamay ng kaibigan at inakay ito papasok sa loob. Naupo sila sa sofa.

“Manang, dalawang juice nga po.” Baling ni Lora sa kasambahay.

“O sige best friend, sabihin mo na, para saan ba ‘yang mga luhang ‘yan?”
“N-nakita ko na siya…”

“Si Miguel?”

“Oo…”

“Talaga? o, e anong sinabi mo, nasabi mo na ba lahat ang gusto mong sabihin. Teka diba sabi mo babawiin mo siya, dali ikuwento mo ng buo ha!” excited na usisa ni Lora.

“Wala… wala akong nasabi maski ano… at ganoon din siya…”

“What?”

Lumapit ang kasambahay nina Lora at inilapag sa center table ang dalawang baso ng juice. Kinuha ni Lora ang isa at ininom agad ito.

“Grabe bff, as in anong nangyari?”

“Nang makita ko ang Louie na ‘yon doon… hindi ko na mahagilap ang pag-asa sa puso ko na mababawi ko pa siya, kaya ano pa bang saysay ng mga sasabihin ko?… sinampal ko na lang siya tapos umalis na ako…”

“Isang sampal lang talaga ang katapat ng ginawa niya sa’yo? Yung itapon niya ang pinagsamahan n’yo para gamitin ka sa isang kasinungalingan? Sana sinabunutan mo kinurot-kurot mo at inilampaso mo ang pagmumukha sa sahig, kulang pa ‘yon!”

Related Posts

“Hindi na bff… nakabalik na ako dito… babalik na rin ako sa buhay ko kung saan wala siya…”
“Magagawa mo ba talaga ‘yang iniisip mo? So paano naman si Michael?”

Hindi nakasagot si Andrea. Paano na nga ba si Michael? Paano kung hindi siya pakawalan nito… pero iyon ba talaga ang inaalala niya o ang mga nangyari sa kanila?

Nakauwi na rin si Michael sa Pilipinas kasunod lang ni Andrea. Tumuloy ito sa apartment nila. Wala doon ang asawa. Pinuntahan niya ito sa pinagtatrabahuhang kumpanya pero ni hindi siya nito hinarap. Naisipan niyang puntahan si Lora sa restaurant nito.

“Michael right?”

“Yes.”

“Akala ko kasi ikaw si Miguel.” Nang-uuyam ang tinig ng dalaga.

“Lora nandito ako para kausapin ka tungkol kay Andrea.”

“Okay yaman din lang na may kinalaman ito sa bff ko, sige makikipag-usap ako sa’yo.”
Pinaupo niya ang lalaki sa isang table for two.

“Okay, so?…”

“First of all, gusto ko munang malaman kung sa’yo ba tumutuloy si Andrea?”

“Yes, for awhile habang naghahanap pa siya ng bagong malilipatan niyang… I think condo.”

“Please Lora, help me to convince her na bumalik na sa apartment namin.”

Saglit na nag-isip si Lora.

“Michael, bakit hindi na lang muna natin siya hayaan sa gusto niya… hangga’t nakikita ka niya I’m sure maaalala niya si Miguel, so paano naman siya makaka-move on no’n diba?”

“Tutulungan ko siya.”

“Pangako ba ‘yan o pampalubag loob?”

“Lora this is a promise.”

Muling nag-isip ang dalaga. Luminga-linga bago humugot ng malalim na buntong hininga.

“Okay. Susubukan ko ang makakaya ko.”

Dahil sa sinabi nito kahit paano ay napanatag si Michael.

Subalit ang kapanatagan ng loob niya ay panandalian lang. Hanggat hindi niya nakakasama ulit si Andrea ay hindi pa rin siya matahimik. Balak niyang pumasok sa opisina ng kakambal kapag maayos na ang lahat.

Gabi. Palabas na sa company si Andrea nang makita niya si Michael sa parking lot.

Nakasandal ito sa dalang kotse. Napahinto siya at saglit silang nagkatitigan. Nauna siyang umiwas ng tingin. Balak niyang hindi pansinin ang lalaki pero mabilis siya nitong nalapitan at nahawakan sa braso.

“Let’s go Andrea, I drive you home.”

“No need Michael, kaya kong umuwi mag-isa.”

“I know, iniwan mo nga ako sa New York eh, but this time hindi ko na mapapayagan ‘yon.”

Binawi ni Andrea ang braso sa kamay ng lalaki.

“And who told you na magpapakontrol ako sa’yo?”

“Ako.” Mabilis na sagot ni Michael.

“At sino ka naman sa akala mo?”

“Ako lang naman ang asawa mo.”

Natigilan si Andrea pero saglit lang at agad siyang bumawi.

“Sa papel lang ‘yon, baka nga fake lang ‘yon eh, aalamin ko kay attorney… kaya pwede ba umuwi ka na Michael.” (Itutuloy)