Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-15 na labas

Matapos ang nakakapagod na paglalakbay sa wakas ay nakarating din si Andrea sa gustong puntahan. Pero mukhang walang tao sa rest house ng mga Avelino. Lumapit siya sa gate at tumayo sa harap niyon.

Puno ng kaba ang dibdib niya. Bagama’t wala pa siyang nakikita maski anino ng kahit sinong tao doon, hindi niya maiwasan ang kakaibang pakiramdam na iyon. Iniisip niya kung anong magiging reaction niya kapag nakita na niya si Miguel… sasampalin ba niya ito agad? Magwawala ba siya? Sasapakin o kukurutin?

Abante Hiring – IT dep

“Hay Miguel, bakit ba tayo umabot sa ganito? Kailangan ba talagang makarating tayo dito?” tanong ni Andrea sa sarili.

Lumapit pa siya at kumapit sa rehas ng gate.

“Malamang nandiyan ka sa loob, nagpapahinga… o baka hindi, baka kasalukuyan ka­yong nagkakatuwaan ng lalaking ‘yon? o nagkukuwentuhan kaya o kumakain, at siguro hindi mo ako naiisip, kung maisip mo man, iyon ay dahil nag-aalala kang magkrus ulit ang landas natin at sumbatan kita… dapat ka ngang mag-alala, kasi gagawin ko talaga ‘yon…”

Nag-door bell si Andrea. Walang tugon. Doorbell ulit. Wala pa ring tugon. Paulit-ulit at paulit-ulit ding walang tugon.

Nagpalinga-linga siya at naghanap ng mapagtatanungan. Isang matandang babae na negra ang nahagip ng mga mata niya na nagdidilig ng halaman mula sa kabilang bakuran. Nilapitan niya ito.

“Excuse me!”

“Yes? Anything I can do for you young lady?”

“I just wanna ask… have you seen anyone there?”

Umiling ang negra. “No…”

“Okay, thanks…”

Muling lumapit si Andrea sa tapat ng gate.

“Miguel, nasaan ka na ba? hindi ako pwedeng magkamali, nandito ka na alam ko…” muling kausap ni Andrea sa sarili.

“MIGUEL! ­MI­GUEL!”­­­ sigaw niya na hindi na nakapagpigil.

“Miguel please, magpakita ka na!”

Napapatingin kay Andrea ang ilang napapadaan. Napahigpit ang hawak niya sa gate. Ka­sing higpit ng pag-asa niya sa inaasahang pagkikita nila.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang tumayo roon pero wala siyang pakialam. Hindi biro ang biniyahe niya para makarating dito kaya maghihintay siya sa abot ng kanyang makakaya.

“Hindi kita susukuan Miguel… kahit na nagpakasal ako sa kakambal mo at naibigay ko pa ang sarili ko sa kanya, ikaw pa rin ang nag-iisang Miguel na mahal ko… babawiin kita sa kanya…”

Related Posts

Dahil lumalaganap na ang dilim, nagpasya si Andrea na maghanap ng hotel na matutuluyan.

Balak niyang mag-stay sa malapit maski ilang araw lang… alam niya, nararamdaman niya na nandito lang si Miguel.

Halatang hindi mapalagay si Michael nang dumating sa rest house nila. Hinanap agad niya si Miguel. Mula sa masters bedroom ay lumabas ito.

“Si Andrea?”

“Hindi pa ko handang harapin siya, ikaw na rin ang may sabi, kung ayaw ko siyang makita…”
Pinutol ni Michael ang sasabihin pa ni Miguel.

“Yeah I know, kaya lang nag-aalala ako para sa kanya, hindi ko siya makontak eh.”

“Michael relax, hindi na bata si Andrea at matalino siya kaya alam kong hindi siya basta-basta mapapahamak.”

“Tama ka, matalino nga siya, pero pagdating sa pag-ibig pareho lang kayong bobo.”

Natawa at nailing si Miguel sa sinabi ng kakambal.

“Kami lang ba o pati ikaw, mukhang nade-develop ka na nga sa kanya, look at yourself.”
“Iyon naman ang gusto mong mangyari diba?”

“So I knew it!”

Tinalikuran ni Michael si Miguel at humakbang palapit sa pintuan.

“Michael where are you going?”

“Hahanapin ko siya.”

“Okay, if that is you want, go!”

“HINDI NA ­KAILANGAN.”

Si Andrea mula sa pintuan. Parehong nagulat ang kambal sa pagbungad nito.

“Andrea, I’m ­sorry…” si Michael.

Nanatiling walang kibo si Miguel. Hindi makaapuhap ng sasabihin. Para siyang dagang nakorner ng pusa. Lalo na nang humakbang palapit sa kanya si ­Andrea.

Nag-give way ­naman si Michael.

Nang makarating si Andrea sa harapan ni Miguel ay tila bato siyang unti-unting natitibag. Sa muling pagtatama ng kanilang mga mata ay nagbadya ang mga luha.(Itutuloy)