Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-14 na labas

Nagising si Andrea sa tunog ng cellphone. Akala niya ay kanya pero cellphone pala ni Michael ang tumutunog. Naalarma siya hindi dahil dito kundi dahil sa naked nilang katawan ng lalaki na natatakpan lang ng kumot.

“OMG, ano ba itong nagawa ko, nagkasala na naman ako kay Miguel…” kausap niya sa sarili.

Natatarantang dinampot niya ang cellphone. Nag-alangan kung gigisingin niya si Michael na nahihim­bing pa sa tabi niya o sasagutin na lang niya ang phone. Pinili niya ang una.

“Michael gising, Michael…”

Pero hindi ito tumitinag. Inulit niya ang pagyugyog dito subalit mga ungol lang ang naging tugon nito.

“Okay fine, kailangan na kitang sagutin, baka importante ka eh.”

Dinampot ni Andrea ang cellphone na nasa bandang ulunan ni Michael at sinagot ito. Hindi pa siya nakakapagsalita nang marinig na niya ang tinig sa kabilang linya.

“Hello?”

Hindi siya maaaring magkamali. Si Miguel iyon! Boses iyon ni Miguel!

“Michael what’s goin’ on? Kadarating lang namin dito sa New York,  hindi mo pa rin ba nakukumbinsi si Andrea na umuwi na?”

Hindi sumagot si Andrea. Hindi siya makasagot. Parang naumid ang dila niya. Daig pa niya ang sinaksak nang paulit-ulit sa puso.

“Hello Michael? Michael?” paulit-ulit na bigkas ni Miguel sa phone.

Nabitawan ni Andrea ang cellphone. Kasabay nito ang pangingilid ng mga luha niya habang nakatitig kay Michael.

Nagmamadaling nagbihis si Andrea at lumabas ng silid. Tumakbo siya palabas ng bahay at sa harapan ng mabundok na tanawin sa Colorado ay isinigaw niya nang buong lakas ang kinikimkim na pighati.

“AAAHHH!”

Maya-maya pa ay nagising na rin si Michael. Nahagip agad ng mata niya ang cellphone sa tabi niya. Nag-alala siya nang makita niya ang nasagot na tawag ni Miguel.

“Andrea…”

Nakabalik na sa loob ng apartment si Andrea. Nasa kusina na siya at naghahanda ng almusal nang lumabas sa silid si Michael.

“Good morning!” bati ni Andrea  na tila walang natuklasan.

“Good morning…” nakikiramdam naman ang lalaki.

Dumulog sa mesa si Michael. Hindi nakatiis at nagtanong ito.

“Honey, may tumawag ba sa’kin kanina?”

“Tumawag? Wala, bakit may inaasahan ka ba?”

“Wala naman…” naisip ni Michael baka naman nadaganan lang niya ang cellphone at napindot ang answer. Sana tama siya. Siguro nga, kasi kung nasagot iyon ni Andrea siguradong kinukumpronta na siya nito ngayon.

“Michael, gusto ko na sanang umuwi…”

“Ha?”

“O diba ito naman yung gusto mo…kaya lang kung pwede sana wag na tayong magsabay, may balak pa kasi akong puntahan bago umuwi…”

“Teka, teka, hindi naman yata pwede ‘yon.”

“Bakit hindi pwede?”

“Sabay tayong nagpunta dito kaya sabay rin tayong uuwi.”

“Gusto ko lang makipagkita sa mga friends ko na nasa Mexico, gusto ko sanang mag-stay doon kahit mga one week lang, ayoko namang ma-out of place ka dahil puro kami girls.”

Saglit na natigilan si Michael. Nag-iisip.

Related Posts

“Bakit naman biglang nabago ang isip mo, so ibig bang sabihin hindi na natin hahanapin si Miguel?”

Nagpalipas din ng ilang saglit si Andrea bago sinagot ang tanong ng lalaki.

“Pinag-isipan kong mabuti kanina… naisip ko na parang imposible na… siguro kailangan ko munang mag-unwind…”

“Alam mo hon, tama ‘yang naisip mo, kaya lang…sana naman pagbalik sa Pinas doon ka pa rin sa apartment natin uuwi, or gusto mo lumipat tayo sa condo o tumingin ng bagong bahay… basta sana magkasama pa rin tayo.”

“Hayaan mo, habang nag-rerelax ako sa piling ng mga friends ko pag-iisipan ko ‘yang sinabi mo…”

Itinuloy na ni Michael ang pagkain. Nagdududa siya sa biglaang pagbabago ng isip ni Andrea. Nanahimik naman ang babae. Iba ang tumatakbo sa isip nito. Isang desisyong pinag-isipan nitong mabuti.

Hindi na pinatagal ni Andrea ang nais mangyari.

“Sandali, nagmamadali ka ba? “ nagtatakang tanong ni Michael nang mapasukan niya si Andrea sa kuwarto.

“Hindi naman.”

“E bakit nag-iimpake ka na?”

“Hinahanda ko lang.”

Naupo ang lalaki sa gilid ng kama at tinitigan ang babae.

“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Andrea.

“Wala lang… I’m just happy na mukhang nakaka-recover ka na…”

Hindi sumagot si Andrea. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Deep inside ay gustung-gusto na niyang sapakin ang lalaki dahil sa katotohanan ng mga hinala niya tungkol dito.

Na kasabwat ito sa pagtatago ni Miguel. Pero kaya pa niyang magtimpi. Mas importante na magawa niya ang plano niya.

Hindi naman mapakali si Michael nang makaalis na si Andrea. Ni ayaw kasi nitong magpahatid sa kanya. Naisipan niyang tawagan si Miguel.

“Hello Miguel…”

“Buti naman at nag-call back ka.”

“Call back?”

“Yeah, nung isang araw I call you, pero hindi ka naman sumagot at bigla ka na lang nawala.”
Natigilan si Michael.

“O, ano mawawala ka na naman ba?”

“Miguel, naisip mo ba na baka si Andrea ang nakasagot ng tawag mo?”

Si Miguel naman ang natigilan sa kabilang linya at nag-isip.

“K-kung si Andrea ‘yon, e di sana kinumpronta na niya ko?”

“Iyan din ang naisip ko nung makita ko ang call mo… teka, may nasabi ka ba?”

“Y-yes, nasabi kong nandito na ako sa New York…”

“Oh no, sabi ko na nga ba, hindi sa Mexico pupunta si Andrea, she’s on the way to New York!”

“What?”

“Miguel, kung ayaw mong makita ka niya, siguro umalis muna kayo diyan sa rest house… alam niya ‘yan diba?”

“O-oo…”

“Okay, tatawagan na lang ulit kita, susundan ko si Andrea.”

Hindi naman naging madali para kay Andrea ang pagta-travel. Bukod kasi sa napakalayo ng mga lugar na pinuntahan at pupuntahan ay nauubusan na rin siya ng budget.

“Di bale, last na’to… mukhang kasya pa naman ang budget ko, titipirin ko na lang ng todo… mabuti na lang wala akong problema sa passport ko…” (Itutuloy)