Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-12 na labas

“Gano’n? so ako pa ngayon ang madumi ang isip?”

“Ikaw ang nagsabi niyan ha.”

Abante Hiring – IT dep

Hindi na kumibo ang dalaga. Itinakip sa teynga ang dantayan niyang unan. Hindi naman mapakali si Michael. Humarap ito sa nakatalikod na asawa.

“Honey…”

Walang tugon mula sa babae.

“Hon…”

Wala pa ring tugon.

Inisip na lang ni Michael na baka nakatulog na ito dala ng pagod.

“Okay, goodnight honey…”

Unti-unti ay idinantay ni Michael ang isang kamay niya sa beywang nito.

Hindi pa tulog si Andrea, bagama’t nakapaikit siya ay dinig na dinig niya ang mga mahihinang tawag nito at ramdam na ramdam din niya ang pagdantay ng kamay nito sa beywang niya. Kapag nag-react siya ay malalaman nito na gising pa siya kaya hinayaan na lang niya. Pero kapag kumilos pa nang higit doon ang lalaki ay bibigwasan na niya ito.

Subalit hindi na gumalaw si Michael hanggang sa marinig niya ang mahinang paghilik nito. Hindi alam ni Andrea kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon. Basta ang sigurado niya ay matagal iyon hanggang sa dalawin na rin siya ng antok.

Umaga. Wala na si Michael sa tabi niya nang magising si Andrea. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Naamoy niya ang tila nasusunog na niluluto. Nagmamadali niyang tinungo ang kusina.

“What the f***!” Si Michael habang natataranta sa pag-ahon ng itlog mula sa kawali.

“Ako na!”

Inagaw ni Andrea ang sanse at maingat na iniahon ang itlog mula sa mainit na kawali matapos patayin ang stove. Nang mailatag na sa mesa ang sunog na ulam ay saka niya binalingan si Michael.

Related Posts

“Akala ko wala ng tao ang hindi marunong magluto ng itlog!”

“I know, marunong naman ako kaya lang may tumawag kasi sa’kin… nakalimutan ko ang nakasalang…”

“Sino?”

“Ha? s-si Abraham…”

“O, anong sabi?”

“Baka raw matagalan pa sila bago makauwi… nagkaproblema kasi…”

“Talaga?”

“Oo, buti pa kumain na tayo, inagahan ko ang gising ko para lang maipagluto kita.”

Naupo si Michael sa upuan sa harap ng mesa.

“Hilaw na hotdog at sunog na itlog, iyan ba ang ipinagmamalaki mo?”

“Grabe ka makalait, wagas na wagas, Oo na sige na, sunog nga ang itlog, pero ‘yang hotdog hindi ko pa pala nailuto, balak ko kasi after egg eh.”

“Hay naku, Michael…”

Si Andrea na ang nagluto at nagtimpla na rin ng kape para sa kanilang dalawa.

“Balak mo pa rin bang lumakad ngayon?” tanong ni Michael.

“Oo naman, alalahanin mo limitado lang ang bakasyon natin, kaya mahalaga ang bawat oras na dadaan.”

“Okay.”

Saglit na nakiraan ang katahimikan habang kumakain sila. Pareho nilang lihim na pinakikiramdaman ang isa’t isa. Matapos kumain ay naghanda na ulit sila sa paghahanap kay Miguel.

Aalis sila ng umaga at uuwi ng hatinggabi. Desidido si Andrea na hanapin ang pag-ibig niya. Kung minsan ay nakokonsensya na rin si Michael at may mga pagkakataong gustung-gusto na niyang sabihin kay Andrea ang kinaroroonan ni Miguel. (Itutuloy)