Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-11 na labas

“Nagbibiro lang ako, promise I’ll be gentle!”

Sa sinabing iyon ni Michael ay naalala ni Andrea ang unang gabi nila nang sabihin din nito ang mga katagang iyon para mapanatag siya.

Dahil sa hindi pagkibo ni Andrea ay ipinalagay ni Michael na pumayag na ito. Marahan niyang ipinatong ang mga paa nito sa kandungan niya para masahihen. At saka niya maingat na sinimulan ang pagmamasahe.

Napapikit naman si Andrea nang maramdaman ang kakaibang ginhawang hatid ng pagkilos ng mga kamay ni Michael sa mga paa at binti niya. Sa dalawang taon na pinagsamahan nila ni Miguel ay hindi pa nito nagawa ang ganito sa kanya.

“Andrea, dati ba, nabanggit man lang ako sa’yo ni Miguel?” naisipang itanong ni Michael.

“Of course…pero hindi detalyado at hindi madalas… e, ako, nakilala mo na ba ako dati nung hindi pa nangyayari ang pakikipag-deal mo sa kanya?”

“Yeah…pero sa picture lang, sa fb.”

“Inisip mo bang mangyayari ito?”

“Of course not…”

Dumilat si Andrea at tumingin sa lalaki.

“Michael…wag kang mag-alala, pagkatapos nito, magiging malaya ka na ulit…”

Tumigil sa pagmamasahe si Michael.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi mo kailangang itali ang sarili mo sa kasal natin, or sa akin…Oo galit na galit ako, masamang-masama ang loob ko sa mga nangyari, pero tanggap ko na, sa huli maiiwan akong mag-isa.”

“iyon ba talaga ang gusto mong mangyari?”

Sa halip na sumagot ay natawa si Andrea.

“O, bakit nakakatawa ba ang tanong ko?”

“Hindi, nakikiliti ako, ‘wag na kasi sa talampakan, tama na nga!” sabay bawi ni Andrea sa mga paa niya.

Tumayo si Michael at hinawakan ang kamay ng asawa.

“Gutom lang ‘yan, tara hanap tayo ng makakainan!” nagsimulang humakbang si Michael kapit ang kamay ang babae.

“Wait!”

“Wala ng wait, wait!”

“Saglit lang nga!”

“Hindi na ako makakapaghintay, tomguts na ako!”

Related Posts

“Ano ba, bitiwan mo nga ako!”

Huminto ang lalaki.

“Bakit ba?”

“Yung sapatos ko ayun oh, naiwan!”

Inunahan ni Michael si Andrea sa pagdampot ng sapatos nito at siya mismo ang nagsuot dito. Nakatitig lang ang babae.

“O , pa’no let’s go honey?”

Hindi na tumugon si Andrea. Sinabayan na lang niya sa paglakad ang lalaki. Deep inside ay nababawasan ang galit niya dito.

Matapos kumain sa restaurant ay dumaan sila sa isang supermarket para bumili ng mga kailangan nila.Maging sa mga nakakasalubong nila sa supermarket ay pinagtatanungan din nila at ipinapakita ang picture ni Miguel.

“This is Miguel, his twin, have you seen him?” tanong ni Andrea sa isang lalaking Amerikano.
“No, I’m sorry.”

Maging sa cashier ay nag-iwan pa sila ng calling card niya at picture ni Miguel.
“If you see him, please call me.”

“Yeah sure!” nakangiting tugon ng babae sa counter.

Hatinggabi na nang makabalik sila sa apartment.

“Sige na Andrea pahinga ka na sa room, ako na ang bahalang mag-prepare ng food natin.”

“Balak mo pa talagang magluto, ako kasi mas gusto kong matulog na.”

“Okay sige, kung ‘yan ang gusto mo.”

Matapos siguraduhin na naka-locked na ang pinto at bintana ay sumunod na sa kuwarto si Michael. Tulad ng dati, sa sahig ulit ang pwesto niya. Sa pagkakataong ito ay wala na siyang balak magreklamo.

Pero sa pagkakataon ding iyon ay tila nakokosensya naman si Andrea. Hinila niya ang unan at kumot ni Michael na ikinagulat nito.

“Andrea, what’s wrong with you?” ani Michael na napabalikwas.

“Ililipat ko lang dito sa tabi ko.”

“I-ibig bang sabihin, pwede na akong humiga ulit sa tabi mo?”

“Oo na, hindi kasi ako kasing sama ninyong magkapatid.” Sabay higa ni Andrea nang nakatalikod.

Nakangiti namang humiga si Michael sa tabi niya nang nakatalikod din.

“Kung gusto mong ulitin natin yung ginawa natin, kalabitin mo lang ako ha!” pilyong suggestion ng lalaki.

“Heh! Hindi na mauulit ‘yon itaga mo sa bato!”

“Ano ka ba, ang sinasabi ko yung pagmasahe ko sa paa mo, masarap diba?” (Itutuloy)