Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-10 na labas

“Pero dito ka lang sa bahay at hihintayin ako, after kong magsimba gogora na tayo, okay?”
Hindi umimik ang lalaki.

“Hoy, ano, sumagot ka.”

“Oo na, Oo na.” inis na sagot ni Michael.

Patalikod na sana ulit si Andrea nang si Michael naman ang nagpalingon ulit sa kanya.

“Nagpaalam ka na ba kay Aunt Jane?”

“Of course, actually dadaan tayo sa bookstore niya before we go kasi may bibilhin akong book. And we have to go back here bago tayo bumalik sa Pilipinas.”

Hindi na kumibo pa ang lalaki. Sa isip nito,sasakyan na lang niya ang trip ni Andrea gaano man ito kagastos. Nag-eenjoy naman siyang kasama ito kahit pa may kasungitan.

Bookstore.

“Michael, please take good care of your wife, hope both of you will enjoy the rest of your vacation!”

“Yes, aunt Jane, I promise.” Sabay akbay ni Michael kay Andrea. Palihim namang inapakan ni Andrea ang paa niya. Pero hindi natinag ang kamay niya sa balikat nito at sa halip ay kinabig pa niya ito para hagkan sa noo.

“That is sweet!” nakangiting sabi ng matanda.

Matapos ang ilang saglit pang pakikipag-usap sa matanda ay nagpaalam na ang mag-asawa. Nakalabas na sa bookstore ay nakaakbay pa rin si Michael kay Andrea.

“Hoy, pwede ba, tama na ang acting.Pahalik-halik ka pa diyan!” Sabay alis ni Andrea sa kamay ng lalaki na nasa balikat niya.

“Hindi ako umaacting, I am your husband, at ginagawa ko lang ang papel ko sa buhay mo.”
“My husband only in paper!” paalala ni Andrea.

“And in the eyes of all our witnesses and specially in the eyes of your God.”

Humarap si Andrea kay Michael.

“Huwag mong idamay dito ang mga taong mahahalaga sa akin na naging saksi sa kasal natin, at lalo na ang Diyos ko na Diyos nating lahat, kung tutuusin nga pwede kong ipawalang bisa ang kasal natin eh!”

Napatingin si Michael sa transparent walls ng bookstore, mula doon ay nakita niyang nakatingin sa kanila si Aunt Jane. Kaya sa halip na makipag-argue ay malambing na niyakap niya si Andrea at hinalikan ulit sa noo.

“Hoy!”

“Sshhh, nakatingin si Aunt Jane sa’tin, gusto mo bang isipin niya na nag-aaway tayo?” bulong ni Michael.

Sinulyapan ni Andrea ang matanda at kinawayan ito. Kumaway din ang matanda sa kanila.

Nang makarating sila sa Colorado ay sa isang apartment sila tumuloy.

“Mag-rerent tayo?” nagtatakang tanong ni Andrea.

“Sorry, nalimutan ko kasing sabihin sa’yo na tinawagan ko kanina yung friend ko dito, nasa New York pala sila ngayon kaya habang hindi pa sila bumabalik dito muna tayo.” Muling pagsisinungaling ni Michael.

“Ano?”

“Honey,pwede naman nating hanapin si Miguel maski wala ‘yung friend ko diba?”

Hindi kumibo si Andrea. Tahimik siyang naupo sa sofa.

“Buti pa pahinga ka na muna, ako na ang mag-aayos ng gamit natin sa cabinet.” Si Michael.

Pumasok sa loob ng maliit na kuwarto ang lalaki at idinayal ang numero ng kapatid.

“Hello, nandito na kami sa Colorado, dito kami umupa sa apartment ng kakilala ni Louie.”

“Okay, that’s good, but don’t give up to convince her na umuwi na sa Pinas okay?”

Hindi na sinagot ni Michael ang sinabi ni Miguel. Ini-off na niya ang phone. Ipinaalam lang niya sa kapatid na nandoon na sila.

“Sinong kausap mo?”

Related Posts

Nagulat pa si Michael nang malingunan si Andrea sa pintuan ng kuwarto.

“Yung friend ko si Abraham, ipinaalam ko lang na nandito na tayo sa Colorado, gusto nga niya na doon na tayo tumuloy sa house nila kaso dala nila yung susi eh…”

“Kailan daw ba sila babalik?”

“Wala raw kasiguruhan kasi about business yung trip nila.”

Lumapit si Andrea at naupo sa gilid ng kama.

“Naisip ko lang, ano kaya kung maghiwalay tayo ng paghahanap?”

Sarkastikong napangiti si Michael.

“Naisip mo talaga ‘yan?”

“May masama ba?”

“Hindi magandang idea ‘yan Andrea, nasa lugar tayo na wala tayong kakilala, it’s either mapahamak ka or tayong dalawa.”

“Natatakot ka ba?”

“Of course not, I just want to protect you.”

Hindi sumagot si Andrea pero deep inside ay nagustuhan niya ang sinabi ng lalaki. Walang imik niya itong pinagmasdan habang inaayos nito ang mga gamit nila para ilagay sa built in cabinet.

Hindi pumayag si Michael na maghiwalay sila ni Andrea sa paghahanap kay Miguel. Kaya naman kahit mapagod pa siya ay okay na okay lang sa kanya huwag lang itong mapahamak.

ahat ng lakad nila ay idinodokumento niya sa dalang digital camera. Kinukuhanan niya ang bawat galaw ni Andrea nang palihim.

Mga stolen shots ng paghahanap nila kay Miguel na babaunin niya hanggang pag-uwi sa Pilipinas bilang bahagi ng alaala nilang dalawa na magkasama. Baka kasi dumating ang oras na ito na lang ang maiwan sa kanya.

Araw-araw ay lumalabas sila para maghanap.

“Hey ma’am, excuse me, do you know this guy?” sabay pakita ni Andrea ng picture ni Miguel sa isang woman citizen doon na nakasalubong lang nila.

“No… wait, it looks like him!” itinuro ng babae si Michael na nasa likuran ni Andrea.

“Yeah, but he is just his twin.”

“Oh yeah?”

Ilang tao pa ang napagtanungan nila at ilang kalye rin ang sinuyod nila. Pero wala isa man ang nakapagbigay man lang ng clue sa kinaroroonan ni Miguel.

Naupo si Andrea sa lilim ng isang malaking puno na nadaanan nila para saglit na magpahinga. Tinanggal pa niya ang sapatos niya at iginalaw-galaw ang mga paa na ngawit na sa paglalakad.

“Andrea, buti pa umuwi na muna tayo.”

“Ano ka ba, sumusuko ka na ba agad, ni hindi pa nga lumulubog ang araw.”

“But you look tired.”

“Hindi no, tingin mo lang ‘yon.”

“Okay, kung ayaw mo pang umuwi, sige buti pa kumain na lang muna tayo, tara hanap tayo ng malapit na resto.”

“Wait lang, pahinga lang muna tayo dito.”

“E di napapagod ka na nga.” Tinabihan ni Michael si Andrea sa kinauupuan nitong damuhan.

Nagulat pa ang babae nang biglang pumuwesto sa paanan niya si Michael at hinawakan ang mga paa niya.

“T-teka, anong gagawin mo?”

“Mamasahehin kita, don’t worry masarap akong magmasahe, kasing-sarap nung unang gabi natin…”

“HOY!” sabay hampas ni Andrea dito. (Itutuloy)