Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

(Unang labas)

Habang nakaharap sa salamin sa loob ng bath room ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Andrea. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Para siyang nakatapak sa ulap sa mga sandaling iyon habang iwiniwisik ang pabango sa leeg, sa balikat, sa braso, sa pulso ng kamay at sa kung saan-saan pang parte ng katawan. Parang gusto na nga niyang ipaligo ang buong pabango. Kulang na lang kasi ay ibuhos niya ito sa buong katawan. Napapa-hum pa siya sa sobrang saya ng nararamdaman.

Paano kasi, ito ang unang gabi ng kanyang honeymoon. Newlywed siya sa one and only man of his dream niyang si Miguel. Kaya naman to the higher level ang excitement niya.

Super duper kaba at over load ang happiness!

Suot ang regalo ng bff niya na white nighties, feel na feel ng 25 years old na bride ang humahalimuyak niyang virginity na maya-maya lang ay mawawala na sa kanya. Maliban sa nighties ay wala na siyang iba pang suot. No bra, no panty!

“Di bale, at least pure as white rose akong tatabi sa kanya sa higaan sa kauna-unahang pagkakataon! Oh God, wag sana akong masaktan, let him be gentle to me!” ang natatawang emote niya sa sarili.

“Inhale…exhale…inhale…exhale…okay, go Andrea, this is it!” pagkasabi niyon ay binuksan na niya ang pinto ng bath room at lumabas doon. Maingat niyang tinungo ang kuwarto nila ng kanyang hubby na ilang hakbang lang naman ang layo mula doon. Bago niya binuksan ang pinto ay nag-antanda muna siya at muling humugot ng malalim na hininga bilang pampalakas ng loob.

Nang mabuksan na niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang kahubdan ng lalaking iniibig na nakahilata na sa kamang nalalatagan rin ng pulang petals ng mga rosas  at tila sadya ang paghihintay sa kanya. Bagamat natatakpan ng kumot ang bandang ibaba nito ay para na rin niyang na-imagine ang anumang itinatago nito. Maagap niyang tinakpan ng sariling kamay ang sariling mga mata.

“Honey, what’s wrong with you? Hindi mo na kailangang gawin ‘yan.” Natatawang sabi ng lalaki.

“Teka nga muna honey, pwede ba, let’s go slow, bakit nakahubad ka agad?” nanatiling nakatakip ang palad ni Andrea sa mukha .

“Ikaw nga wala na ring undies eh, bakat na bakat kaya!” nanunuksong sagot ng lalaki.

Namula si Andrea sa hiya.

Tumayo ang lalaki at nilapitan ang babae na nasa pintuan pa rin. Hinawakan niya ang mga kamay nito para alisin sa tinatakpang mga mata.

Related Posts

“EEEEEE!” tili iyon ni Andrea na nasa isip lang niya. Naghuhumiyaw ang damdamin na nerbyos na nerbyos sa naghuhumindig na pagkalalaking napalapit sa katawan niya.

“Gusto mo ba talagang maglaro muna tayo ng taguan? Or..let just start the game…the unusal game you’ll never know…” pabulong na sabi ng lalaki.

Napalunok si Andrea. Unti-unti niyang ibinigay ang mga kamay sa lalaki at nag-tama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung bakit tila may kakaiba sa lalaking kaharap…O hindi lang siya sanay sa ganitong eksena at sa ganitong kilos at pananalita nito? Baka ang nararamdamang pagdududa ay dala ng takot at pangamba sa unang gabi ng kanilang pagsasama? O mas gusto niyang sabihin na sa unang gabi ng kanilang pag-iisa…

“M-Miguel…”

“Ssshhh…don’t worry, I’ll be gentle…”

Pagkasabi niyon ay binuhat ng groom ang bride patungo sa naghihintay na kama.

Ikinawit naman ng bride ang mga kamay niya sa leeg ng lalaki, pero tila naiilang siyang tumingin sa mga mata nito sa pagkakataong iyon. Marahan siya nitong inilapag sa malambot na higaan.

“Miguel…”

Sa paglapat ng likuran niya sa kama ay sinimulan ng lalaking langhapin ang samyo ng kanyang katawan, mula sa teynga pababa sa leeg. Napa-igik si Andrea dahil may kiliti siya sa leeg kaya bahagya niyang itinulak ang lalaki. Pero hindi nito alintana ang ginawa niya at sa halip ay malambing nitong kinagat ang ternate ng nighties niya pababa sa balikat. Habang ang isang kamay naman nito ay maingat na lumililis sa manipis niyang kasuotan.

“W-wait lang Miguel…”

“Bakit?”

“K-kasi…ano…nadyi-dyingel ako!”

Napabuntong-hininga na nag-give way ang lalaki.

Habang nasa banyo naman ay panay ang antanda ni Andrea. Hindi siya mapakali.

Pinagpapawisan siya ng malapot. Pinaghalong takot, saya, excitement at pangamba ang nararamdaman niya. Muli siyang nagwisik ng pabango. (Itutuloy)