Una sa Balita

Junsay, 6 iba pa sa LGBA series

0 181

PUMUTOK agad ng tatlong panalo si defending champion Jimmy Junsay ng Batangas sa pagsisimula ng “2019 LGBA Breeder of Year” race nitong Biyernes, Sept. 6 sa Pasay City Cockpit.

Bitaw ang ikalawang round ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 7-stag derby ngayon, Lunes, tampok ang higit 90 sultada.

Panibagong 60 entries ang nakalista sa 3-stag elims na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor.

May tatlong panalo rin si 2019 Bakbakan Early Bird champion Mark Calixto, sina Carlos Tumpalan, Ronald Barandino, Fernando Meneses, Toto Gregore at Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan.

May 2.5 puntos sina Arnold dela Cruz ng AEJ Farms) at Doc Rey Tamboong.

Taya sa first leg derby (Sept. 6, 9, 13, 16 at 18; Oct. 3, 7 at 11) ang garantisadong P5.

Sina Junsay at Dennis Reyes ng Guadalupe Jared ang kumuha ng LGBA Breeder of the Year title nitong 2018 nang magtala ng mataas na 17.5 points.

Sa iba pang mga katanungan, kontakin sina 0945 4917 474, at Ace sa 0939 4724 206, 843 1746 at 816 6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy