Una sa Balita

Junk shop nasunog sa Malabon

0 284

TINUPOK ng apoy ang malawak na junk shop, kung saan nadamay din ang dala-wang bahay sa Malabon City, kahapon nang umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-singko nang umaga nang masunog ang junk shop sa No. 333 Gabriel Compound, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, na pag-aari ni Norma Porita.

Dahil puro plastic at basura ang laman ng junk shop, mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa 4th alarm.

Sa nasabing sunog nadamay ang da-lawang bahay, kung saan walong pa- milya ang nawalan ng tahanan at nasunog din ang nakaparadang trak na puno ng kalakal.

Sa ininsiyal report ng BFP sa katabing junk shop daw na pag-aari ni Sherly Ollamar nagmula ang sunog dahil sa naka-tambak na mga basura.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naturang sunog na naapu-la naman kaagad bandang alas-siyete nang umaga.

Umabot sa P20,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy, habang patuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa sunog. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy