Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Junjun, Abby dedmahan pa rin

0 350

Hindi pa rin nagkikibuan ang magkapatid na Junjun at Abby Binay matapos nilang magkairingan sa mayoral race noong 2019 elections, na napagwagian ng huli.

Nitong Lunes ay nakapanayam ng Politiko online show host na si Jon Ibanez si dating Vice President Jejomar Binay at naitanong sa kanya kung kumusta na ang dalawang anak na sina Abby at Junjun.

“Kumusta na po mga anak n’yo, nag-uusap na ba?” tanong ni Ibanez.

“Wala namang pagkakataon na magkita. May mga sariling bahay eh. Pagka may mga okasyon, minsan-minsan nagkikita. ‘Yung mga anak nung bunso ko kasama namin sa bahay,” lahad ni Binay.

SM food to go Banner Ad

Magugunitang nagkaroon ng hidwaan ang mag-utol na Binay nang kapwa tumakbo sa pagka-alkalde sa Makati.

Nagkainitan at nagbangayan pa ang dalawa sa isinagawang forum sa isang simbahan.

Samantala, nagbiro si Binay na dahil sa marital concern ay naka-house arrest siya ngayon at hierarchy ang kanyang kaso.

Sa kasalukuyan ay pinagkakaabalahan ng dating pangalawang pangulo ang pagbabasa at paglalakad-lakad.

“Nasa bahay lang, madalas ay nagbabasa. Araw-araw naglalakad ako… madalas hapon,” aniya. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.