Una sa Balita

June Mar, San Miguel sinabon ng mga boss

0 375

HOY GISING!

Mga laro ngayon:
(Ynares Center, Antipolo)
4:30pm — NLEX vs. Blackwater
6:45pm — TNT vs. SMB

KITA na may hangover pa ang San Miguel Beer sa championship nila sa nakaraang conference nang tuhugin ang panlimang sunod na PBA Philippine Cup crown.

Higit dalawang linggo matapos huling laro, kinalawang ang Beermen sa unang salang sa Commissioner’s Cup at hiniya ng NorthPort 121-88 noong Miyerkoles.

Babalik ang San Miguel para subukang makuha ang panalo sa ikalawang laro kontra TNT KaTropa sa Petron Blaze Saturday Special mamaya sa Ynares Center, Antipolo.

Hindi lang basta talo ang Beermen, tinambakan ng Batang Pier na wala pang Stanley Pringle.

“Dismayado lahat. Galit sila coach at ang mga boss namin,” bulalas ni June Mar Fajardo paglabas ng dugout. “Pangit ang game na ‘to, isa ‘to sa pinaka-worst namin.”

Nagkasa ng 13-4 run ang NothPort sa second quarter tungo sa 54-41 lead sa break, mula roon ay hindi na nakapalag ang Beer.

Wala raw silang dahilan, walang ibang dapat sisihin kundi mga sarili.
Kaya determinado ang Beermen na bumawi.

“Kailangan namin mag-bounce back next game,” dagdag ni Fajardo, tumapos ng 19 points, 5 rebounds at 3 blocks sa debut game. “First game pa lang naman. Makakabawi pa kami siguro. Kailangan galingan na lang namin next game.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy