Una sa Balita

June Mar, Pogoy, Troy balik ensayo sa Gilas

0 287

SA Lunes ay inaasahang makukumpleto na sa ensayo ang Gilas Pilipinas, makakasama na sa National team sina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario.

Natapos na nitong Biyernes ang PBA Commissioner’s Cup Finals, tinalo ng San Miguel Beer ang TNT KaTropa sa anim na larong best-of-seven series.
Wala nang dalawang linggo ang nalalabing preparasyon ng Gilas para sa FIBA World Cup.

Sa susunod na linggo ay busy na sa daily practice ang Nationals, isisingit pa ang pano­nood ng videos.

Puspusan na ang shooting drills at five-on-five.

“That’s going to be every other day siguro, so we’ll add more hours next week,” lahad ni coach Yeng Guiao.

Umaasa ang coach na mabilisang makuha nina Fajardo, Pogoy at Rosario ang sistema ng Gilas.

“I hope it’s a short period. I hope hindi sila masyadong matagalan doon sa adjustment nila,” dagdag ni Guiao.

May dalawang friendly games pa ang Nationals kontra Australian team Adelaide 36ers sa Aug. 23 at 25. Pagkatapos nito ay malamang ihayag na ni Guiao ang final roster para sa World Cup.

Sa Aug. 29 ang biyahe ng Nationals pa-China. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy