Una sa Balita

June Mar ibababad na ni Austria

By
0 608

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – NLEX vs. Rain or Shine
6:45 pm – SMB vs. Meralco

NABUHAYAN ang Meralco sa tatlong sunod na panalo, nanga­ngailangan ng isa pa para paypayan ang tsansa sa playoffs ng PBA Governors’ Cup.

Pero malaking pader ang babanggain ng 4-6 Bolts, ang mainit ding San Miguel Beer sa se­cond game mamaya sa Petron Saturday Special ng season-ending conference sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa four-game winning run ang Beermen, pipiliting tapusin ang elimination round na may 7-4 kartada. Pasok na sa quarterfinals ang San Miguel, puwedeng pumuwesto sa No. 5 o No. 6.

Importante sa Bolts ang panalo para makahirit kahit playoff sa last quarters berth.

Papasok na sa playoffs bilang No. 8 ang Meralco kapag tinalo ang SMB ngayon at natalo ang TNT (4-6) sa Ginebra (8-2) sa pagtatapos ng eliminations bukas. Magkakaroon ng playoff para sa No. 8 kapag parehong nanalo ang Bolts at KaTropa.

Puwede pang sumampa ang Bolts sa joint seventh kapag natalo ang 5-5 NLEX sa Rain or Shine sa first game mamaya.

Gustong tapusin ng Beer ang eliminations sa panalo.

“We want a momentum to ride on in the quarterfinals, especially as we need to win two in a row to make the semifinals,” suma ni SMB forward Arwind Santos.

Inaasahang mas mahabang minuto na ang ibibigay ni San Miguel coach Leo Austria kay June Mar Fajardo na na­kabalik na mula fractured shin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More