Una sa Balita

June Mar Fajardo asar sa sariling laro

TOMA ULIT!

By
0 663

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30 pm – Columbian vs. Alaska
7:00 pm – SMB vs. Blackwater

GIGIL bumawi mula sa back-to-back losses ang San Miguel Beer, susubukan nila kontra Blackwater sa nightcap ng double-header sa MOA Arena mamaya.

Unang tumukod ang Beermen sa TNT, 104-93, noong Ene­r­o 27, makaraan ang limang araw ay itinumba naman ng Rain or Shine, 108-98.

Sa pare-parehong 2-3 win-loss cards, magkakabuhol ang NLEX, Columbian Dyip, SMB at Meralco sa 6th-9th ng PBA Phi­lippine Cup. Nasa ibaba nila ang Elite (1-3).

Sa first game ay bakbakan ang Dyip at 0-1 Alaska.

Sa huling limang taon, ngayon lang natalo ng dalawang sunod ang San Miguel sa elimination round ng all-Filipino. Sila pa ang reigning four-peat champions sa season-opening tournament.

Si Arwind Santos, nasa sidelines lang noong huling game dahil nabiktima ng food poisoning. Makakabalik na siya ngayon at pipiliting ibangon ang Beer.

“Hindi pa naman huli. Magre-regroup kami kasi hindi maganda ‘yung talo,” aniya. “Depensa daw, tingnan natin kung maaayos next game.”

Inako ni June Mar Fajardo ang sisi sa dalawang setbacks ng SMB, kailangan daw niyang angasan pa ang laro.
“Struggling ako,” giit ng reigning five-time MVP. “Ako ‘yung tini­tingnan ng teammates ko pero hindi ko sila na-lift. ‘Pag pangit ang laro ko, malaki ang chance na talo kami.”

Kontra Elasto Painter­s, nambarako ng 24 points si Fajardo pero 8 of 20 lang mula sa field. May sahog siyang 14 rebounds, 4 assists at 4 blocks.

Sinorpresa ng Blackwater ang Painters 111-99 noong Enero 30, pero nitong Biyernes ay yumuko din sa Phoenix 114-95.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy