Una sa Balita

June Mar ‘di aatras sa mga ‘higante’

0 345

MALAKING hamon kay June Mar Fajardo kung paano sasabayan sa FIBA World Cup ang 7-footers ng Italy, Serbia at Angola.

Hindi pa masyadong malaki ang center ng Italy na si Amedeo Tessitori na nakalistang 6-10, pero may NBA players sila kina Marco Belinelli at Danilo Gallinari.

Ang Serbians ay may 7-foot-3 na Boban Marjanovic ng Philadelphia 76ers, 7-footers Nikola Jokic ng Denver Nuggets, Miroslav Bircevic at Nikola Milutinov.

Nangiti muna si Fajardo bago sinagot ang matchup sa mas higante pa sa 6-10 frame niya.

“Sobrang challen­ging ‘yun para sa akin kasi sobrang ang lalaki na nu’ng mga kalaban,” aniya. “Wala namang mawawala sa akin pero marami akong mage-gain na experience dun.”

Kailangan lang daw magtulungan.

“Five-on-five naman ‘yun, kailangan talaga maglaro as a team para manalo tayo sa kanila,” dagdag ng The Kraken. “Hindi naman siguro imposible, malay mo, ‘di ba?”

Pinakamalaki sa Angola si Valdelicio Joaquim na nakalistang 6-10. Ang isa pang sentro nila ay si 6-7 Hermenegildo Mbunga. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy