Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

June 1 sasalubungin ng SCTEX taas-singil

0 160

Dagdag gastos agad ang sasalubong sa mga motorista dahil sa taas-singil na ipatutupad sa mga sasakyang dumadaan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) simula sa Miyerkoles, Hunyo 1 ngayong taon.

Nabatid na aprubado ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas-singil sa mga toll gate ng SCTEX.

Ayon North Luzon Expressway Corporation, ang operator ng SCTEX, P0.78 kada kilometro ang itataas ng toll.

Kaya naman, ang mga Class 1 na sasakyan mula Mabalacat City hanggang Tarlac ay madadagdagan ng P31 ang bayad sa toll gate.

Ang mga Class 2 naman ay magtataas ng P61 ang bayad sa parehong distansya habang P92 sa mga Class 3.

Samantala, sa kabila ng pagtataas ng singil sa SCTEX, bibigyan naman umano ng toll subsidy ang mga pampasaherong bus na dumadaan sa naturang expressway.

Binigyang-diin ng SCTEX na hindi umano sakop ang mga pampasaherong bus ng bagong toll rates subalit ito’y sa loob ng tatlong buwan lang. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.