JULIE, PAHINGA MUNA DAHIL SA ‘BROKEN NECK’!

By

Wala si Julie Anne San Jose sa Sunday PinaSaya dahil na-confine ito sa ospital dahil sa sobrang pagod nito.

Noong Friday ay nag-tweet si Julie na “I think I just broke my neck.”

Kaya sinugod ang Kapuso singer-actress sa ospital pagkagaling nito sa taping ng kanyang teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Mabilis na nag-worry ang kanyang nababalitang boyfriend na si Benjamin Alves at pumunta ito sa ospital para ma-check ang nangyari rito.

Nag-tweet pa si Benjamin at humingi ng dasal para guma­ling agad si Julie.

“Please pray for Julie’s fast recovery. She’ll be home resting for a few days. Thank you guys” tweet pa niya.

Pagdating ng Sunday ay nag-tweet si Julie sa kanyang fans na hindi siya mapapanood sa Sunday PinaSaya dahil na sa abiso ng doktor na magpahinga siya ng ilang araw pa.

“Still recuperating. Thank you guys for your prayers and thoughts. I love you all,” tweet pa ni Julie.

Ayon sa isang source, pabigat nang pabigat ang mga eksena ni Julie para sa kanyang teleserye at sinasabayan pa nito ng rehearsals para sa kanyang gagawing show kasama si Lea Salonga.


SHARE