Una sa Balita

Julie dominante sa relasyon

By
0 690

Ang 22 years old na si Julie Forbes, nakababatang kapatid ng beauty queen/actress na si Ali Forbes, ang candidate No. 3 sa Batch 3 ng “Abante Babe, Ganda Mo, Teh!”

Tubong-Bulacan si Julie na may height na 5’6” at vital statistics na 33-27-34. Gaya ni Ali, pangarap din niyang maging beauty queen. Sa katunayan, ang Ate Ali niya ang inspirasyon at nagbibigay sa kanya ng mga tip upang matupad ito.

Pagdating sa relasyon, wika niya, “Dominant ako, mas gusto ko lagi akong ahead at more futuristic din po ako. May mga plano po ako sa bawat mangyayari.”

Opinyon niya sa gumagawa ng sexual harassment, “Tigilan niyo na iyan. Hindi kayo magandang ehem­plo sa society.” At ang mga payo niya sa mga biktima nito, “Wag matakot sa mga nangha-harass. Alamin ang karapatan at paano labanan ito.”

Ang pagiging positibo ang lamang niya sa iba pang kandidata dahil aniya, “Pagiging optimistic ko po. Halimbawa natapilok ako, nagpapa-thank you po ako na iyon lang po ang nangyari sa akin unlike sa iba na grabe ang nangyari.”

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng November, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio-data sa roldancastro2015@gmail.com,18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa article na ito, “Julie Forbes, Abante Babe #3-Batch 3 for September” (70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Ave­nue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Ma­nagement Services hanggang sa second ­degree of consanguinity.
Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante News Online Facebook page, AbanteTNT sa Instagram at sa website na www.abante.com.ph.

Creative Director: Roldan Castro; Project Director: Mikel Alip; Photographer: JR Noses; Makeup: Cut Encarnacion Group of Salon, Creative Team Ehl Jhey Madrigal, Carla Craven, Jhosa Han.

[aigpl-gallery-slider id=”153027″]

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy