Una sa Balita

Julie Anne puntiryang dyowain ni Ruru

0 444

abante-talbog-joe-barramedaNapanood namin ang 4th anniversary presentation ng “Sunday PinaSaya” noong Linggo na katapat ng “ASAP” na sa Bay area ng California idinaos.

Maganda at masaya ang SPS na full of come­dy ang kantahan. Bagong pakulo ang tambalan nina Ruru Madrid at Julie Anne San Jose at may kilig factor sa kanila, ha!

Magaling ang nakaisip nito lalo ngayon na super sexy si Julie Anne, habang ang macho-macho naman ni Ruru. Mukhang magkakadebelopan sila, ha!
Knowing Ruru, walang imposib­le ang ganyan, ha! Eh, mahilig sa mga seksi si Ruru. Hahahaha!

Starlet nagmaldita sa probinsyanong fan

May isang fan na malapit na malapit sa isang starlet noong karelasyon nito ang aktor na sinusuportahan ng fan. Pero nang mag-break ay parang naiba ang ihip ng hangin.

Kabe-break pa lang ay nagpapatulong na agad ang starlet sa fan na magkabalikan sila ng aktor. Pero ayaw na talaga ng aktor. Kaya naapektuhan ang closeness ni starlet sa fan.

Mula sa malayong probinsya ay lumuwas pa-Manila ang kaibigan ng fan at nakiusap na samahan siya kay starlet para magpa-picture. Pero bigo ang pobreng probinsyano at dinedma ng starlet si fan.

Masamang-masama ang loob ni fan at hindi raw niya makakalimutan ‘yon.
Jeric bida na sa ‘Magkaagaw’

Matapos ang malungkot na pangyayari sa taping ng “Rosang Agimat” na hindi nga natuloy dahil sa pagkamatay ni Eddie Garcia, finally ay nabigyan ng bagong project si Jeric Gonzales, ang “Magkaagaw”, kasama sina Klea Pineda, Sheryl Cruz at Sunshine Dizon, with the special participation of Cong. Alfred Vargas.

Naganap ang storycon ng “Magkaagaw” na pinangunahan ni Ali Dedicatoria at Direk Gil Tejada. Kung mapapansin ninyo ay kaunti lang ang character at sa kanila lang iikot ang story. Bale reunion daw ito nina Sunshine at Sheryl.

Natutuwa si Jeric na makatrabaho ang mga veteran actress na magga-guide sa kanya para magawa niya nang buong husay ang role na ibinigay sa kanya. Magagamit daw niya ang natutunan niya kay Anthony Bova.

Sa gitna ng kasiyahan ni Jeric ay ipinagluluksa naman ng pamilya niya ang untimely death ng uncle niya na nasa Pagbilao, Quezon. Our deepest condolences.

Manilyn-Jake duet humamig ng 4M view

Ilang dekada na rin nga ang “Pepito Manaloto.” Kaya sobrang close na ang mga karakter, artista rito.

Kamakailan ay may duet na inilabas sina Manilyn Reynes at Jake Vargas. Umani agad ito ng 4 million views.

Magaling silang pareho at sa tagal nilang magkasama sa “Pepito Manaloto” ay parang tunay na silang mag-ina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy