Una sa Balita

Julie Anne pinanganak para kumanta

0 403

Reyna ng biritan:

Bata pa lang ay nakitaan na ng mga magulang niya ang ‘Asia’s Pop Sweetheart’ na si Julie Anne San Jose ng hilig sa pag-perform. Produkto rin si Julie Anne ng ‘Little Miss Philippines’ ng “Eat Bulaga” kunsaan nag-first runner-up siya. Gayundin sa ‘Munting Miss U’ ng “Magandang Tanghali Bayan”.

Tila ipinanganak si Julie na kakambal na ang pagkanta at pagpi-perform. Dalawang taon pa lang ay nagpapakitang-gilas na ito sa sariling version niya ng “Habang May Buhay”. Naging miyembro ng Sugar Pop at bahagi ng iba’t ibang programa ng GMA-7. At 25, more than half of Julie’s life is into performing.

Triple, Diamond Record Awardee, collaboration with foreign artists among others. Maaaring sa batayan ng isang sikat, may nagsasabi na halos nagawa at naibigay na kay Julie ang lahat, pero parang may kulang pa rin daw in-terms of kasikatan.

But her works and accomplishments can speak for her. Kaya nga sa ngayon, masasabi talagang pagdating sa singing at performing, si Julie Anne ang “Reyna” sa Kapuso network.

Naitanong na rin namin kay Julie Anne ang tungkol dito. Pero reluctant pa rin ito sa sinasabing status na niya sa network.

“I don’t think so,” nakangiti niyang sabi.

“Ako, I just want to inspire people with my music. I just want to share my music to everyone. Singing has always been my passion so, parang hindi ko po iniisip ‘yun.”

Sabi pa ni Julie Anne, “There’s a lot of very, very talented singers in GMA. There’s a lot.”

Paborito ng mga basher, hater

Kilala rin si Julie sa napakaraming online supporters. Passionate rin ang karamihan sa fans niya sa social media o online.

Pero aktibo man ang mga tagahanga niya online, isa rin si Julie na may maraming haters and bashers sa social media.

Nang hingan nga ng mensahe ang “Sunday PinaSaya” at “Studio 7” star, natatawa nitong sagot na, “To all my detractors, I don’t really care.

“Hindi ko na iniisip ang ganyan. Well ako, tanggap ko na rin na hindi naman lahat ng tao, gusto ako. Hindi ko rin naman sila pinipilit na gustuhin ako.

“I just want to be myself.
“I just want to make more music. I just want to sing. I just want to perform. I just want to give my best shot para sa lahat ng mga tao. I want to make people happy.”

Dugtong pa niya, “‘Yung detractors na ‘yan, ‘yung haters, hindi ko sila iniisip. Actually, kung iisipin ko sila, it would be about motivating myself even more and to be better, not just sa aking craft but as a person.

“Kumbaga, wala na akong sasabihin sa ibang tao. Kasi alam ko na ang ginagawa ko, para sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin at pinagdarasal ko na lang sila na sana maging masaya sila sa buhay nila.”

‘Balakang Babe’ ng showbiz

May period din na pinaghinalaan si J­ulie na may sakit na a­norexia dahil sa tingin ng iba, sumobra na ang kapayatan niya at baka hindi na ito halos kumakain.

Pero ilang beses itong itinanggi ng Kapuso star at pinatunayan kung gaano siya kalakas kumain. Na she’s into exercise at healthy siya.

Ngayon nga, gone are the tag na anorexic beauty siya but instead, may bago siyang title – “Balakang Babe”.

Buong-buo ang confidence ni Julie sa sexy photos na ina-upload niyang kadalasan sa kanyang Instagram account. Ang latest na lang ay ang IG post niya na nakaupo sa swimming pool at “balakang kung balakang” nga.

Pero marami rin ang nakapansin na mas nagpakita siya ng pagiging sexy at daring after ng breakup nila ni Benjamin.

“Wala pong cons-cious effort na maging daring or sexy gaya ng sinasabi ng iba,” pagtanggi niya.

“It just so happened that I now love these styles of clothes. ‘Yung pagiging daring, I think, dumating lang ako sa point na okay lang, I’m just proud of the result of my long workouts in the gym and my diet and that I just learned to love myself.”

At para kay Julie, higit sa pagiging sexy, mas fiercer raw siya ngayon.
“I’m fiercer now. I want to inspire people to look good and feel good, especially w­omen.”

Alden, Elmo, Benjamin nagpasaya,nagpaiyak kay Asia’s Pop Sweetheart

Kontrobersiyal din ang love life department ni Julie Anne. Although napakaraming naging tagahanga ng Julie-Elmo Magalona love team noon, aware ang marami na hindi naging real ang on-screen tandem nila, lalo na at may Lauren Young sa part ni Elmo.

Na-link si Julie Anne kay Alden Richards na tinitingnan naman ng karamihan na mas may e­lement ng reality, though for some reason, hindi ito na-push through and for some time, nararamdaman na tila may gap sa pagitan nila.

Ang bukod-tanging naging very open si Julie Anne sa relasyon niya ay kay Benjamin Alves. Pero isang halimbawa ang break-up nila na hindi lahat ng lovers can turn into friends.

Ayon kay Julie Anne, “For the past years, I’m so used to giving out and like it doesn’t really matter to me, it doesn’t matter how much you give para sa isang tao o sa mga important people sa paligid mo.

“Ganu’n kasi talaga ko but I realized, kaila-ngan mong magtira para sa sarili mo. At the end of the day, para rin sa ‘yo ‘yun, para rin sa health mo. So, it’s really important that you take care of yourself.”

Mas gusto raw ni Julie Anne ang kung ano siya ngayon.
“Yeah, happiness is a choice. It’s your choice.”

Sa ngayon, mas gusto raw niyang mas mag-focus talaga sa work niya. ‘Yun daw ang goal niyang talaga lalo na sa taong ito.

Naniniwala raw siya na ang tamang tao para sa kanya ay dara-ting din.
“Right now, I’m not ready to be in a relationship. Aside from focusing on my career, I want to have more time with my family and to enjoy my youth.

Yes, ‘yun, enjoy lang ‘yung pagiging youth, ‘di ba? The right relationship will come at the right time, so pass muna ko,” natawa pang sabi niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy