Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julie Anne lilibutin Pilipinas

0 21

Bago mapanood ang first leg ng online show ni Julie Anne San Jose na “Limitless, A Musical Trilogy” ngayong September 17, naki-bonding muna ang Asia’s Limitless Star sa kanyang fans mula Luzon, Visayas, at Mindanao nitong Biyernes sa pamamagitan ng “Kapuso Fans Day on TV” handog ng GMA Regional TV.

Super thankful ang Kapuso singer sa mainit at patuloy na pagsuporta ng kanyang fans mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Salamat kasi hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo para po sa akin and you still choose to support me. And I’m so, so grateful sa lahat ng mga effort at oras ninyo na ibinigay sa akin,” say pa ni Julie.

Excited na nga si Julie na maibahagi sa publiko ang pinaghirapan nilang “Limitless, A Musical Trilogy” na sa September na ang unang leg at kinunan sa Mindanao. Sa mga trailer at photos pa lang kasi nakaka-curious na kung ano ang mga gagawin ni Julie. Nauuso man ang mga online concert pero bago ang konseptong ito na produced ng GMA Synergy dahil lilibutin ni Julie ang buong Pilipinas para ipakita ang kanyang musical journey sa kanyang fans!

Kaya naman sa mga wala pang ticket dyan, bili na sa www.gmanetwork.com/synergy (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.