Una sa Balita

Julie Anne baliw na baliw sa pag-ibig ni Benjamin

By
Julie Anne San Jose
0 3,240

Ipinasilip ni Julie Anne San Jose ang behind the scenes ng bagong music video niya at exci­ted siyang nagkuwento ng ilang detalye tungkol sa kanta.

“Makaka-relate ‘yung mga tao kasi siyempre ‘pag nagmahal ang tao binibigay ang lahat-­lahat kaya walang natitira sa sarili niya,” chika ni ­Julie.

Pero wait, there’s more! Pasabog ang reve­lation ni Julie Anne na, “Pero ako hindi ako nakaka-relate, kasi masaya ako.”

Bongga! In love na in love pa rin sila ng fellow Kapuso star na si Benjamin Alves kaya blooming talaga si Julie Anne sa kanyang music vi­deo! Bukod pa riyan, back to back din ang concerts niya ngayong January, ang isa ay ang 3 Stars and 1 Heart kasama sina Regine Velasquez-­Alcasid at Christian Bau­tista sa Cebu, at nga­yong January 27 naman ang #Julie niyang concert sa Music Museum. Simu­la pa lang ng taon, busy bee na si Julie ha.

Heart todo- iyak sa finale ng My Korean Jagiya

Simula’t sapul na naging bahagi si Heart Evangelista ng My Korean Jagiya ay very vocal ito sa halaga ng show sa buhay niya. Para sa isang prime actress na kagaya niya, iisiping isang ordinar­yong trabaho lang ang mapasama sa teleserye pero iba ang naramdaman ni Heart.

Nabalik ang puso ­niya sa pag-arte at tala­gang naging pamilya na ang turing niya sa lahat ng bumubuo ng My Korean Jagiya kaya madam­damin ang na­ging pahayag nito sa last episode ng show.

“To be honest, after a really, really long time, it’s the first time that I felt that people appreciated me, and my efforts. I’m so thankful na na-appreciate niyo and naipakita ko rin ang love ko for my job. To the show, to the staff and to GMA, I just want to put it on record, I fell in love with my work again because of this show.

Binusog niyo ako nang bonggang-bongga. Thank you to the fans, to everyone, to the writers, and thank you even to the people that pushed me to do my best and it worked,” kuwento ni Heart.

Mami-miss din ng audience ang authentic na pagmamahalan ng bawat miyembro ng cast ng My Korean Jagiya dahil mararamdaman ta­laga sa bawat eksena na nag-e-enjoy sila sa trabaho. Congratulations sa buong crew ng My Korean Jagiya, DAEBAK!!

Pauline, Kyline nagharutan matapos magtalakan

Nasilip namin ang Instagram account ni Pauline Mendoza, ang gumaganap na Crisel sa Kambal, Karibal, at naaliw kami dahil para na rin ­niya kaming dinala sa set ng show.

Habang naghihintay ng eksena, kinukulit niya ang mga crew at iniisa-isa niya ang mga bagong dating pa lang. Tawang-tawa naman kami sa reaksyon ni Kyline Alcantara na gumaganap namang Cheska sa show dahil nang gulatin siya ni Pauline, hindi nito na-control ang sinabi niya. Naalala tuloy namin ang eksena nila sa show kung saan hinila ni Crisel ang paa ni Cheska (Kyline), kasi sa show ay magkaaway sila, lalo na’t inaapi ni Cheska ang ka­patid ni Crisel na si Crisan (Bianca Umali).

Pero off-cam, naghaharutan lang talaga sila. Pero ano na nga kaya ang mangyayari sa mga karakter nila, lalo pa’t hindi nagustuhan ni Crisan ang ginawang paglunod ni Crisel kay Cheska?

TOTGA mall tours simula na

Simula na ang mall tours ng The One That Got Away at una nilang susugurin ang Robinsons Mall sa Novaliches ngayong Sunday, January 14! Magpapakilig sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins, Ivan Dorschner, Migo Adecer, Ayra Mariano, Nar Cabico, Dea Formilleza at Ervic Vijandre! May mga performances at games silang inihanda para sa mga mall-goers kaya siguraduhing nasa Robinsons Novaliches na kayo bago mag-5PM!