Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julie Ann, Cherie pantasya ng mga bagets

0 227

Pinagsama-sama ng GMA-7 ang mga alumni ng StarStruck na sina Kim de Leon, Radson Flores, Abdul Raman at Allen Ansay sa isang online show, ang “The Cray Crew.”

In line pa rin ito sa GMA Entertainment Group’s comedy channel na YouLOL. Magkakaiba ang personalidad ng apat, pero nang makausap namin sila via Zoom, nagsu-swak ang mga personalities nila sa isa’t isa at may bonding na talaga.

Aminadong ang iba sa kanila ay mahiyain pero dahil sa bagong show nila online, nagagawa nilang ma-overcome ito at nagkakaroon din sila ng chance na makagawa ng mga original contents.

Halos pare-pareho rin ang individual choices ng apat kung sino sa mga artista ang gusto nilang makamasa o magawan ng content, sina Julie Anne San Jose at Cherie Gil.

Ritz Azul reyna ng MMFF 2020

Sa kabila ng pandemic, hindi nito napigilan ang execom ng Metro Manila Film Festival 2020 at ang MMDA na matuloy ang MMFF 2020.

Sa unang pagkakataon, hindi ito mapapanood sa mga sinehan kung hindi sa online. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Globe, Upstream & Gmovies.

Kung ang usual 8 official entries tuwing Kapaskuhan, ngayon ay mas maraming choices ang manonood, 10 na ang official entries at dahil nga online, kahit ang mga Pinoy na nasa iba’t-ibang bansa ay makakasabay na rin sa panonoood.

Aminado naman ang lahat katulad nina Direk Joel Lamangan at Harlene Bautista, mga director at producer ng isa sa entry, ang “Isa Pang Bahaghari” na iba pa rin ang traditional theater, hinahanap-hanap daw niya ang dilim ng sinehan. Gayundin ang director ng isa pang movie na na-deny noong Summer MMFF, pero nakapasok ngayong MMFF 2020 na “Suarez, The Healing Priest” na si Direk Joven Tan na, “Sabi nga ni Direk Joel, iba ang experience sa loob ng sinehan pero iba rin yung mas ligtas tayo. Kasi, ayoko rin namang i-risk yung health natin.”

So far, marami naman ang positibong feed back na naririnig at nababasa namin sa 10 line-up ng movies. Kahit may mga pumasok noong Summer MMFF na wala na ngayon tulad na lang ng “A Hard Day” ni Dingdong Dantes. At may mga nakaplano sana for this Christmas na ‘di umabot ang pelikula. Isa na rito ang pelikula ni Vice Ganda.

Narito ang sampung official entries for MMFF2020:

Magikland, Coming Home, The Missing, Tagpuan, Isa Pang Bahaghari,

Suarez: The Healing Priest, Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim, Pakboys, The Boys Foretold By The Stars, Fan Girl.

Marian kabado sa stage play

Naglabas na ang Kapuso Primetime Queen ng Instagram post kunsaan, ipinost niya ang bago niyang career. Sasabak na rin si Marian sa teatro.

Aminado ito na kinakabahan dahil ngayon lang siya sasabak sa teatro. Pero obviously, ayaw rin tanggihan ni Marian ang challenge na maipakita rin niya ang pagiging isang aktress hindi lang sa telebisyon at pelikula kung hindi maging sa stage play rin.

Bukod dito, ang alam namin, through her husband na si Dingdong Dantes din ito naging possible. Si Dingdong ay Atenista at ito ang in-approach kung pwede nga si Marian na magbida sa stage play na OedipusRexTA. Sa February 2021 pa ito matutunghayan.

Marami ang natuwa at excited, lalo na ang mga kaibigan ni Marian dahil isa raw itong out-of-the box na gagawin niya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.