Una sa Balita

Juliana Parizcova Segovia tinanggihan ang libreng ipin

0 315

Pinabilib kami ni Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova Segovia sa paraan ng paghawak niya ng kanyang mga kinikita sa showbiz. Simula raw noong manalo siya sa pa-contest ng “It’s Showtime”, pinag-ingatan ni Juliana ang kanyang napanalunang cash prize na isang milyong piso.

Hindi raw niya ito basta-basta ginastos sa walang kawawaang mga bagay.

“Totoo ang sinabi nila na ang isang milyon, mabilis mawala. Magugulat ka na lang na papaubos na siya.

“Kaya iningatan ko nang husto. Kasama na ‘yung mga kinikita ko sa mga shows na kinabibilangan ko tulad ng ‘Ang Probinsyano’ at ‘It’s Showtime’.

“Kahit na kaming dalawa lang ng nanay ko, naging masinop ako sa mga kinikita.

“Nakikinig ako sa mga advises ng mga mas nakakaalam tulad ni Ate Vice (Ganda). Kailangan ay mag-ipon ako dahil ang showbiz, hindi siya panghabambuhay,” sey ni Juliana.

“Bago ang Miss Q&A, nakikitira kami sa isang apartment din sa Pasay. Marami kami roon kaya medyo magulo. Noong manalo ako, nag-decide kami ng mother ko na bumukod kami.”

Wala rin daw bagong sasakyan si Juliana. Kahit kilala na siya, nagga-Grab ride siya tuwing pupunta siya sa taping at ilang events na imbitado siya.
May gusto raw mag-sponsor na bigyan siya ng buong set ng ngipin. Pero si Juliana na rin daw ang umayaw.

“Happy naman ako kahit wala akong ngipin. Nasanay na ako, eh. At saka, baka ‘pag nagkaroon ako ng ngipin, baka mawalan ako ng identity. Kilala nila ako sa ganitong hitsura kaya tanggap ko ito.”

Kasali nga pala si Juliana sa cast ng comedy film na “And Ai Thank You”. Star struck nga raw si Juliana kay Ai Ai delas Alas noong una silang magkaeksena. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy