Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Juliana Gomez pamatay ang alindog

0 645

Inulan ng papuri ang anak nina Ormoc Mayor Richard Gomez at Ormoc Rep. Lucy Torres na si Juliana Gomez. Sunud-sunod ang posting ng dalaga sa kanyang Instagram na nagpapakita ng kaseksihan nito.

Ilang mga post ni Juliana sa Instagram ang nagpalutang ng alindog niya suot ang 2-piece bikini. Sobrang lakas ng dating at sex appeal ni Juliana sa larawan na naglalakad siya sa tubig at may suot na baseball cap.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kaseksihan ni Juliana, at kitang-kita ang pigura niya.

Hindi man kasing nipis ng katawan ng ibang mga sexy celebrity si Juliana, pero pamatay ang kanyang alindog. Kayang ilampaso ng dalaga sa bagyo ng kanyang kaseksihan ang ibang mga Pinoy star na kaedad niya. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.