Una sa Balita

Juliana bagong ka-loveteam ni Marco

By
0 3,311

Kumalat sa social media ang picture nina Marco Gallo at Juliana Gomez (anak nina Richard Gomez at ) na magkasama. At kahit sa Instagram stories ni Juliana ay makikita ang photo nila na magkasama ni Marco.

At dahil doon, ang daming chicka na ang nabuo. May mga nagpu-push na nga na pagsamahin sa teleserye, o gawing loveteam sina Juliana at Marco.

Anyway, wala ngang ka-loveteam ngayon si Marco, dahil si Kisses Delavin ay pinag-aagawan na nina Tony Labrusca, Donny Pangilinan, Mark Neumann. Hindi pa sure kung sino sa kanila ang magiging opisyal na ka-tandem ni Kisses.

Anyway, may Twitter account na nga na ang name ay MarcLianaOFC, pinagsamang name nina Marco at Juliana.

Anyway, galing nga ang mga photo nina Juliana at Marco sa Bench Fashion Week for spring and summer collections na ginanap kamakailan. Parehong endorser sina Marco at Juliana ng Bench.

“Juliana and Marco super love!” sabi ni Jane.

“Bagay sina Marco at Juliana!” hirit ni Annapicara.

“I find them cute. Sakto lang!” chicka pa ni Doods.

“I swear I ship Juliana and Marco. Kinilig akoooo!” pahayag naman ni Jnny Frm d Blck.

Meaning, ngayon pa lang ay may nabubuo na ngang fan club ang Juliana, Marco. Pero ang tanong, mag-aartista ba si Juliana? O papayagan ba siyang mag-showbiz ng mga magulang niya na sina Goma at Lucy?

Jiro Manio gusto nang umarte ulit

Balik-show na si Jiro Manio. At siyempre, ang ‘nanay’ niyang si Ai-Ai delas Alas ang manager niya, o mamamahala sa kanyang career.

Kuwento ng Comedy Queen, na manager na nga ngayon ng Ex-Battalion, kinausap na siya ni Jiro na gusto na nga nitong umarte ulit.

Sa rehabilitation center, kung saan siya nagpagaling, nagtatrabaho si Jiro ngayon, at sa pa-block screening sa Meet Me In St. Gallen ng Ang Tanging Ina group nina Ai-Ai, Marvin Agustin, at iba pang mga anak ni Ai-Ai sa movie na ‘yon, huli naming nakita si Jiro.

Tahimik lang siya at ramdam mong nahihiya sa mga ‘kapatid’ niya. Mukhang naninibago sa sitwasyon. Pero, mukhang ‘yon din ang nagtulak sa kanya para magustuhang umarte ulit.

“Sabi niya, kausapin ko raw ‘yung sa rehabilitation center, na gusto na nga niyang mag-artista ulit. Okey na rin naman siya ngayon. Bigyan natin ng chance,” sabi ni Ai-Ai, na hindi talaga mawala ang pagiging mapag-arugang ina niya kay Jiro.

“Basta tulungan niyo ako kay Jiro, ha! Mabait na bata naman ‘yon,” hirit pa ni Mrs. Sibayan.