Una sa Balita

Juliana ayaw sa magarbong debut

By
0 1,080

Ramdam na raw ng mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres ang excitement ng kanilang unica-hija na si Juliana Gomez sa nalalapit nitong debut party sa September 8.

Disco-themed ang celebration nito kung saan ang mga invited lang ay ang mga close friends nito at family­ members.

Dahil disco-themed ito, so, simpleng-simple lang ito na walang mga drama na 18 roses, 18 wishes at 18 candles, walang cotillion, walang first and last dances ka­tulad sa ibang magagarang debut party.

Abante Hiring – IT dep

Dahil sobrang simple talaga ng dalagita nina Goma at Lucy, wala raw dress-code sa disco-themed party nito na come as you please ang eksena pagdating sa suot o attitre ng kanyang mga bisita.

Maging ang suot nga raw niya na kahit isa itong surprise pero definitely hindi ito sang ball gown.

Excited daw si si Julia­na dahil first time niya magkaroon ng isang malaking party dahil hindi siya mahilig sa mga pabonggang selebrasyon kahit noong bata pa siya.

Siyempre, sobrang saya niya na meron siyang very supportive na parents katulad nga nina Goma at Lucy na laging­ suportado siya sa anumang gusto niyang gawin, at never itong nag-impose sa kanya ng mga bagay na dapat niyang gawin.

Advance happy birthday, Juliana!