Una sa Balita

JULIAN TRONO, NAG-PANIC SA DUET KAY SARAH!

By
0 136

Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Fangirl/Fanboy sa Cinema 9 ng SM Megamall na pinagbibidahan nina Julian Trono at Ella Cruz.

Malapit sa puso ng dalawa ang kuwento ng launching movie nila dahil kahit mga artista sila, fan pa rin ang dalawa ng mga kapwa showbiz personality.

Fan ni Sarah Gero­nimo si Julian kaya masayang-masaya ito nang makasama siya sa mga concert tour ng Pop Princess.

“Magkasama po kami sa tour. Unang performance ko, talagang na-lost ako as in na-starstruck ako. Alam niya na fan niya ako.

“Meron kaming duet  so pagsampa sa stage as in nag-panic talaga ako. Ganoong level kasi she was looking at me, she was dancing.

“Nakakatuwa kasi nag-effort din siya na ‘O ‘wag kang kabahan. Relax ka lang,” ang kuwento ni Julian tungkol sa karanasan niya kay Sarah.

Big fan naman si Ella ng mga K-Pop group at nag-umpisa kay Sandara Park ang paghanga niya sa mga Korean singer.

“Nu’ng naging K-Pop si Sandara, noong ni-launch siya sa 2ne1, doon ako nag-start. Eventually, lahat na ng K-Pop, nakilala ko na po.

“Tuwing pumupunta si Sandara sa Pilipinas, si Tita Elena, ‘yung lagi niyang nakakasama, mine-message ko na gusto kong makita si Sandara.

“Noong nanood ako ng concert niya, nagkaroon ako ng backstage pass. Picture-picture lang, na­nginginig pa ako kasi si Sandara Park (ang kaharap ko),” ang sabi ni Ella tungkol sa pagiging fangirl niya.

May koneksyon sa Korean stars and television series ang kuwento ng teen romcom at feel good movie ng Viva Films dahil dubber para sa mga Koreanovela ang role ni Ella na big fan ng karakter ni Julian na isang frustrated actor. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More