Una sa Balita

Julia umi-style ala-Nadine

0 410

Dahil ba hiwalay na sina Julia Barretto at Joshua Garcia, dumami na ulit ang basher ng batang aktres?

Kapansin-pansin na nu’ng magdyowa pa sina Julia at Joshua, panay papuri, pagkakilig, lam-bing ang mababasa mong mensahe ng mga fan sa mga social media nila, o social media ng anak ni Marjorie Barretto.

Pero mula nang malaman ng lahat na hiwalay na sila (na magkaibigan daw muna sila ulit), big-lang nagsulputan na naman ang mga kalaban ni Julia, ha!

Heto na nga, sa latest Instagram post ni Julia, na kung saan ay naka-2 piece siya, nakatalikod, at seksing-seksi, biglang may mga nag-comment na kesyo gaya-gaya siya.

Kung noon, kapag nagpu-post si Julia ng mga ganyan kaseksing photo, lamang na lamang ang pumupuri sa kanya, na gandang-ganda sa kanya, at may pakilig pa na baka magselos si Joshua.

Pero heto nga ngayon, inaakusahan siyang nagpapapansin, at gaya-gaya kay Nadine Lustre, ha! Si Nadine nga raw ang orig sa mga ganyang datingan, posing, paseksi, kaya ramdam na ramdam nila na ginagamit na peg ni Julia si Nadine.

I’m sure, walang kamalay-malay sina Nadine at Julia na pinag-aaway na sila ng mga fan, na inaakusahang gaya-gaya ang isa.

Pero, kahit ano pang sabihin ng mga naiirita kay Julia, hindi maitatanggi na marami pa rin ang nagmamahal, nagpapantasya sa kanya. Aba, may 245K likes na nga ang sexy photo niyang ‘yon! (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy