Una sa Balita

Julia type tikman si Liza

0 418

Feeling tibo:

Super patok na patok talaga ang tema ng LGBT ngayon. Sa iWant ay ginawa silang “Mga Batang Poz,” na isang original digital series na tumatalakay sa mga kabataang may HIV.

Ngunit kadalasan sa mga gumaganap sa mga “love wins” na klase ng palabas ay hindi pa big star status, o hindi madalas nakikita sa TV o pelikula. Pero mukhang magbabago na ‘yan dahil ready daw si Julia Barretto para gumawa ng isang lesbian movie with Liza Soberano.

Dalawang fans kasi ang nag-tweet suggesting na baka pwede naman daw gawan ng pelikula sina Julia at Liza kung saan magdyowa sila.

“LESBIAN MOVIE FOR @lizasoberano PLEASE HEAR ME OUT @Black_SheepPH @danvillegas @tonetjadaone,” sabi ni @erikabengzon. Sagot naman ni @creselsantillan, “Yes pls!!!! @Black_SheepPH and sana si @BarrettoJulia yung leading lady nya.”

Ilang minuto lang matapos ang Twitter conversation ng dalawang fans, napansin agad ito ni Julia at nag-reply sa kanila ng “I’ll dooooo it.”

Oh ‘di ba bongga, kung mangyari man ito, sila ang isa sa pinakaunang mainstream celebrities na gagawa ng LGBT-themed na pelikula. Tama rin na sa ilalim ito ng “Black Sheep” dahil ilang hit movies na rin naman ang na-produce nito.

Sana nga mas maging open pa ang mga manonood sa ganitong klaseng mga kuwento. Hiling naman nating lahat ang equality, ‘di ba?

Ogie namahagi ng tulong sa Taal

Si Ogie Alcasid ang pinaka-latest na Kapamilya star na pumunta mismo sa Batangas para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal.

Ayon sa post ni Ogie sa kanyang IG account, “Just seeing them smile will melt your heart. So much uncertainty was written on their faces when we arrived but the assurance that we will be there for them filled their hearts with hope. God bless you my kababayans.”

Bukod sa pamamahagi ng relief goods, inaliw pa ni Ogie ang evacuees at kinantahan pa sila ng kanyang awitin na “Di Ka Pababayaan.”

Hindi na nga mabilang ang Kapamilya stars na sumusuyod sa bawat lungsod sa Batangas para mag-abot ng tulong sa ating kababayan. Ilan na dito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Karla Estrada, Jericho Rosales, at marami pang iba.

Bukod sa Kapamilya stars, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang relief efforts ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN para mabigay ang pangangailangan ng mga kapwa natin Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More