Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia todo paseksi para kay Coco

0 50

Nagpapa-‘yummy’ ngayon uli si Julia Montes. Nagsimula na siyang mag-work out, o ibalik ang kanyang alindog.

Nagposte si Julia ng dalawang video na ang isa ay nagwu-work out siya, at ang pangalawa ay kasama niya si Isabel Oli.

“Happy endorphins with my ate bestie @isabelleoliprats. So fun to start my fitness journey with you and with coach Andre @fitnessmobil,” sabi ni Julia.

Sabi nga ng mga fan, si Coco Martin ang rason kung bakit gustong magpa-sexy uli ni Julia.

Si Isabel ay misis ni John Pratts, na mainstay ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na bida nga si Coco bilang si Cardo Dalisay. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.