Una sa Balita

Julia tinamaan kay Gerald

0 303

Inilabas na ang trailer ng pelikulang pinagbibidahan nina Julia Barretto at Gerald Anderson na pinamagatang “Between Maybes” sa direksyon ni John Paul Laxamana. Yes, Julia and Gerald, hindi Julia and Joshua Garcia.

Unang pagkakataon ni Julia na maitambal sa ibang aktor simula nu’ng maging love team sila ni Joshua kaya naman napakaraming reaksyon ang lumabas.

Karamihan sa mga fan ay todo suporta pa rin sa pelikula kahit hindi si Joshua ang kapareha ni Julia. In fact, may chemistry nga rin daw sina Julia at Gerald sa kabila ng kanilang age difference.

“Trailer palang ay mapanakit na ang mga detalye, paano pa kaya ang mismong movie?”

Yan ang linyahan ng mga fan sa comment section dahil talagang tinamaan nga raw talaga sila sa trailer.

Bumilib din ang mga fan na kahit sinong ipares sa dalawa ay napakikilig pa rin daw sila, kaya naman excited at todo abang na ang mga fan sa paglabas ng nasabing pelikula.

Sabi nga sa akting na ipinakita ni Julia sa trailer pa lang, mukhang ramdam na ramdam mo na agad na may tama ito kay Gerald, ha! Parang ganu’n kasi ang tema ng movie nila. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy