Una sa Balita

Julia suko na sa pakikipagbakbakan kina Gretchen, Claudine

0 1,410

Nakikiusap si Julia Barretto sa lahat na tigilan na ang paninirang puri sa buo niyang pamilya at pinalalabas na sila ang masama. Ito ang mensahe ni Julia sa farewell o goodbye message niya para sa ­yumaong Lolo, ama ng ina niyang si ­Marjorie Barretto, na si Miguel o “Pikey” kung tawagin nilang magkakapatid.

Sa caption na sinulat ni Julia sa ilang larawan at video na kuha sa wake ng kanilang lolo, idinaan niya ito sa liham para sa matanda. Humi­hingi ng sorry si Julia sa grandfather niya ­dahil naging sarsuela o sirkus ang dapat sana ay ­tahimik na pagdadalamhati at pakikiramay.

Ang tinutukoy niya ay ang napabalitang engkuwentro ng kanyang ina sa dalawa ­nitong kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto sa magkahiwalay na gabi.

Itinanggi ni Julia ang pagkakasangkot niya sa tsismis na pinagtulungan umano nila ni Marjorie si Claudine kaya ito nahilo at nagtamo ng galos sa mga kamay.

Pawang kasinungalingan daw ang ­lumabas tungkol sa kanilang mag-ina, ayon kay Julia. ­Maninindigan siya at susuporta sa laban ng ina para sa katotohanan.

Pero hindi makikipagbakbakan ng mga salita si Julia laban sa kanyang mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine. Magpu-focus daw siya sa trabaho at kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan, sa halip na patulan ang isyu.
Hindi raw nila pababayaan na magkakapatid ang kanilang ina sa laban nito sa “katotohanan” ayon pa kay Julia.

“I will focus on sharing your legacy and the beautiful stories about how great of a person you were. Since your passing, I’ve been busy with work and I will focus on that because I know that that was your doing together with the Lord God. The rest of my family and I will be continued to be attacked and painted as bad people, but you and God know we were there during the good and most difficult times leading up to your passing. Your legacy will live on. I will keep my peace, focus on you, my faith, and the work that I have been receiving.

Please 9/29, please Rest In Peace. And to everyone, I humbly ask that you please stop attacking me and my family at this most difficult time. We are all in pain and we are all still grieving our loss. Love and light to all. 9/29… signing off.”

Mommy Inday pilit ang mga ngiti sa tabi ni Gretchen

Mas lalong naguluhan ang mga netizen sa dalawang video post ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram. Kumukontra ito sa kanyang statement sa IG na nagsasabing nasa side o kapanalig niya ang kanilang ina.
Sa video makikitang nakaakbay si Gretchen sa ina hanggang sa maupo sila sa silya.
Ayon kay Claudine, nag-lunch sila ng ­kanyang ate at ina, habang hinihintay ang abo ng kanilang ama.
Ang sumunod na post ay nakasakay sa van si Mommy Inday kasama ang mga apo nito pati na ang ampon ng una.
Sa isang larawan naman, magkasama sa dining table sina Gretchen, Claudine at kapatid na si JJ Barretto.
Sa pahayag ni Marjorie, matapos ang cremation ng kanilang ama, magsasalita siya sa tunay na nangyari para mapatunayang hindi siya ang ­masama sa naging kaguluhan sa wake.
Magsasalita rin ang kanilang ina tungkol dito para ipaalam ang tunay na nangyari at pinag-ugatan ng ­lahat ng controversy sa pagyao ng kanilang ama.
Kapansin-pansin lang ang pilit na mga ngiti ni Mommy Inday sa video at photo nito kasama sina Gretchen at Claudine. May mga nagbigay ng malisya na pilit umano ang pakikisama ni Mommy sa dalawa niyang anak dahil mas kampi ito kay Marjorie.
Pero ayon sa iba malinaw na hindi ang dalawa ang pinagmulan ng gulo dahil sa presensya ni Mommy Inday sa lunch sa nabanggit na mga anak.
Ang paniniwala naman ng iba, malungkot si Mommy Inday dahil sa pagkawala na nang tuluyan ng kanyang biyak na na-cremate na nga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy