Una sa Balita

Julia sasabak sa maaksyong teleserye

0 448

She is super back!

Tunay ngang nagbabalik na sa industriya ang daytime serye drama queen na si Julia Montes dahil ipinasilip na ang kanyang paghahanda sa bago niyang teleserye.

Sinimulan na nga ng aktres ang maaksyong training niya kamakailan at mukhang heavy duty talaga ang kanyang gagampanang role sa bagong serye.

Sumabak sa arnis training at firing si Julia. Sabi pa ni Julia, aasahang “may bagong Julia na makikita” sa kanyang serye na pinamagatang “24/7”.

Fresh at palaban nga ang datingan ni Julia na naikumpara pa ng mga fan kay Angel Locsin na magaling din sa mga action role.

“The next angel locsin for action drama julia montes were xcited to see you again juls,” comment ng isang fan.

“Mala Angel Locsin talaga c Julia montes, may aabangan na naman ako sa wakas…” dagdag pa ng isa.

Scarlett Johansson bilang “Black Widow” ng Avengers naman ang nakikita ng ibang fan kay Julia kung international level ang pag-uusapan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More