Una sa Balita

Julia palaging nakatakip ang tiyan

0 2,501

Ayaw tantanan si Julia Montes ng tsismis na buntis siya, na kahit panay na ang post niya sa Instagram at Facebook ng video niya, hinahanapan pa rin siya ng butas ng mga fan, ha!

Sa latest FB Live ni Julia, ipinakita niya na kandong-kandong niya ang alagang aso. Panay rin ang galaw niya. At makikita rin na medyo payat nga siya, ha!

Pero, duda pa rin ng mga fan, bakit daw palaging nakatakip ang tiyan ni Julia? At kung nakatayo man siya sa mga photo, palagi ring makapal ang suot niya.

Eh, ayaw namang pakinggan ng mga fan ang rason na kaya makapal ang suot niya ay dahil malamig sa bansa na kung nasaan siya ngayon.

Well, hanggang hindi nga ina-address ni Julia ang tsismis na ‘yon, at hanggang hindi nga siya bumabalik sa Pilipinas, at hindi siya nakikita ng mga tao nang malapitan, hindi titigil ang mga fan sa katatanong kung buntis ba talaga siya! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy