Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia pakakasalan: Gerald humingi ng tawad kay Bea

0 203

Ang bongga na naman ng chikahan ni Kuya Boy Abunda kina Yam Concepcion, JM de Guzman, Gerald Anderson.

Siyempre, sa simula ay promo muna ang sentro ng usapan para sa nalalapit na finale ng ‘Init sa Magdamag’, na tinawag nilang ‘Init Conversations’ with Yam, JM and Gerald.

Pero siyempre, ang inaabangan naman talaga ng lahat ay ang mga tanong ni Kuya Boy kay Gerald tungkol kina Julia Barretto, at siyempre sa ex-dyowa niyang si Bea Alonzo.

Na sa huling bahagi na rin lang ng chikahan `yon nagpag-usapan.

Nagpahapyaw muna si Kuya Boy sa kung gaano ka-sweet si Julia, pero alam daw niyang matapang ito. Tanong nga kay Gerald, may mga pagkakataon ba na tumitiklop kay kay Julia?

“Araw-araw. Hahahaha!” sagot ni Gerald.

Ang bongga rin ng tanong na, ‘If you have your way, would you ask Julia to marry you?’

“Hahahaha!” unang reaksiyon ni Gerald.

Di ba nga, madalas sabihin ni Julia noon na gusto niyang magkaroon ng pamilya habang bata pa siya.

“Gusto kong sagutin `yan talaga. Pero, alam niyo po kung ano ang isasagot ko diyan. Pero, she’s still very young, and ang dami pa niyang mau-offer sa industriyang ito, ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ang talent niya.

“So, ayokong maging hadlang doon. But…

“If I had my way, of course! Kaso hindi pa kami quota.”

Pero, mas bongga ang kasunod na tanong ni Kuya Boy na, ‘Ge, is she the one?’

“She’s the one! She’s the one!” sagot ni Gerald.

Pero, mas marami pa rin ang interesadong malaman kung ano ba ang plano ni Gerald kay Bea Alonzo? Kung may gusto ba itong iparating na mensahe sa girlfriend ni Dominic Roque?

“Oo naman! Sana… Sinabi ko nga, if I could you know, kung puwede kong baguhin ang nangyari, kung… Kaso, I mean…

“Ang hirap, eh. It’s done. I made mistakes. ‘Yung part na `yon, we both made mistakes…”

Kasunod na hirit, ‘Would you reach out to Bea, and Dominic?’

“More siguro kay Bea. I mean, huwag na siguro tayong mandamay ng ibang tao. But, I really pray sana… I really hope na she will find it in her heart to forgive, what happened, forgive me…

“Naghu-hope lang po ako…” sagot ni Gerald kay Kuya Boy.

Anyway, ramdam na ramdam ang hirap si Gerald sa pagsasalita tungkol kay Bea, na alam mong nag-iingat na magbitaw ng mga linya.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.