Una sa Balita

Julia pabor sa ‘hide likes’ ng Instagram

0 257

Ano nga ba ang unang tinitingnan ng mga tao kapag nag-i-istalk ng account sa social media? Ang mga litrato nga ba muna o kung gaano karami ang nag-like?

Ipinatupad ang ‘hide likes’ ng Instagram sa anim na bansa gaya ng Australia, Italy, Ireland, Japan, Brazil at New Zealand kamakailan.

“We want your followers to focus on the photos and videos you share, not how many likes they get. We don’t want Instagram to feel like a competition,” paliwanag ng spokesman ng IG.

Samu’t saring reaksyon ang bumuhos sa social media tungkol sa balitang iyon, karamihan nga ay nagustuhan ang pagpapatupad na itago na lamang ang likes at mag-focus sa mga litrato o video na ibinabahagi ng user tulad ng sinabi ng spokesperson ng nasabing app.

Maraming user ang pabor dahil nagdudulot umano ng insecurity ang mababang like sa iba kapag nakikitang mas mataas naman ang like sa kanilang kapwa user.

Katunayan, inaaba­ngan na rin ng karamihan sa Filipino users ang pagpapatupad din nito sa Pilipinas dahil labis na epektibo nga raw iyon lalo na sa mga hindi masyadong nakakahakot ng maraming like.

Maski ang sikat na personalidad na si Julia Barretto na may hundred-thousand likes kada upload ng picture o video ay nagustuhan ang ide­yang iyon.

“ALL FOR THIS! There are some important things in life than the amount of likes you get on your social media accounts,” ani Julia.

“Very well said!” reply naman ng ilan sa mga fan sa pahayag ni Julia tungkol sa pagtatago ng Instagram ng likes. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy