Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia ‘niresbakan’ si Kim

0 245

Kahit na hindi pa namin nababasa ang mga comments ng netizens sa recent Instagram post ni Julia Barretto, iisa lang ang pumasok sa isipan namin.

True enough, gayundin naikonek ng mga Instagram followers niya ang kanyang caption sa isang mala- “spirit-free” post.

Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my own business.”

Inisip agad ng halos lahat na ito ba ang sagot ng Kapamilya actress sa kapwa Kapamilya actress na si Kim Chiu?

Nang mabanggit nga ni Kim ang pangalan ni Julia sa It’s Showtime habang pinapa-browse rito ang Instagram account ng dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Kaya sabi agad sa mga comment, “Shade!” “The shade of it all.”

“Mind your own business Kim.”

Nagtataka naman ang ibang netizens na kung sina Julia at Gerald naman daw talaga, ano raw ba ang problema at bakit hindi pa umamin?

“Napaka showbiz ng babaeng to. May paandar na naman to stay relevant.”

“Sineryoso ni Julia ang sinabi ni Kim. Katuwaan lang yun sa It’s Showtime.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pikon naman masyado. Ayaw kasi mabuking, huling huli na nga!”

Jed inakusahang manggagamit

Naapektuhan si Jed Madela nang may mag-comment sa kanya na nagpapakilalang “Army,” tawag sa mga fan ng sikat NA South Korean boy group na B.T.S. na “clout chaser.”

Ang ibig sabihin ng clout chaser sa urban dictionary is a person that only hangs with certain people or starts beef with people to gain popularity.

In short, nanggagamit para sumikat o ma-associate sa mga sikat o maraming followings na celebrity.

Open si Jed na isa siya sa mga Pinoy celebrities na fan boy raw ng BTS, lalo na ng isa sa miyembro nito na si Taemin.

Ni-repost ni Jed ang comment sa kanya na ito at saka nag-caption nang, “I am sad that there are people like this…Okay lang naman kung di nyo ako i-follow… I can be a fanboy on my own and be friends to those who want to be friends with me. Not forcing anyone.”

Sinuportahan naman si Jed ng ilang Pinoy Army at sinabing ‘wag na lang itong pansinin at alam naman daw nila na genuine na fanboy talaga ng BTS ang singer. In fact, ine-encourage pa nila si Jed na bumoto lang daw ng bumoto.

Sabi ng isang fan na siguro sa dami ng biglang Pinoy artists na nagpapakilalang fanboy o fangirl sila ng BTS at ibang South Korean idols, “Alam namin na may ibang artists na ganyan ang ginagawa, pero hindi ikaw.”

Ni-repost naman ni Jed ang naging comment/reaction ni Lea Salonga sa post niya na tinawag siyang clout chaser.

Sey ni Lea in defense of Jed, “So wait lang… hindi ka nanggagamit ng kahit sino, wala kang inaabala, nananahimik ka lang, tapos tinawag kang ganyan? Those who mind do not matter, and those who matter do not mind. Let no one take away your joy. Carry on.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.