Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia nilantad mga liham, payo ng namayapang reyna

0 140

Hindi maikakaila na naging malapit ang actress na si Julia Montes sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Tila kung paano rin naging sobrang close ng kanyang karelasyon, ang bida at director ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, na si Coco Martin, ay gayundin si Julia.

Sa tila pagbibigay tribute ni Julia sa namayapang reyna ng pelikula, ibinahagi pa niya ang mga itinagong handwritten letters na ibinigay sa kanya ng “Lola Flora” ng lahat.

Ayon kay Julia, “One of the few handwritten letters from you… hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig. Mga magagandang alaala ninyo ni Sir FPJ na binabahagi ninyo bilang aral. Mga kwento na hindi ko akalain bibiyayaan po ako ng pagkakataon na mapakinggan.”

Bukod sa rambutan, ang kantang “Greatest Love of All” ang tuwing maririnig siguro ni Julia ay maaalala at maaalala niya ang actress.

Sey pa rin niya, “Isa sa hindi ko rin po makakalimutan ‘pag sinasabi niyo ‘pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala niyo ko. At ‘yung pagkakataong binigyan niyo po ako ng CD na may kantang “Greatest Love of All.” Sabi ninyo sa akin na ‘wag kong kalilimutan ang kantang ‘yan.

“Ngayon lalong hindi ko po yun makakalimutan. ‘Wag po kayong mag-alala, lahat po ng mga turo ninyo ay ‘di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin. Salamat po sa masasayang alaala at magagandang aral. Mahal na mahal ka po namin. Hanggang sa muli po!”

Sa isang banda, kasalukuyang bukas na sa publiko hanggang May 24 ang public viewing sa labi ni Manang Inday.

Bianca ‘di ‘nilalaro’ ni Ruru

Kahit na kamay lang ang pinost ng Kapuso at “Lolong” actor na si Ruru Madrid sa kanyang Instagram account, parang wala namang pag-aalinlangan ang mga netizens kung kanino ang kamay na inaabot niya sa picture.

Siyempre, iisa ang hula ng lahat kahit na may nangdi-dare rito ng “face reveal” pa rin. Walang-iba kung hindi ang girlfriend na si Bianca Umali.

In fairness, mukhang going strong din talaga ang relasyon ng dalawa kahit na noong mga unang taon ay ang daming mga issues at controversy na pinagdaanan nila.

At si Ruru, parang talagang seryoso naman na talaga kay Bianca. Sa caption nga niya, buong ningning nitong sinasabi na kahit saan at kailan daw, isasama niya ito, huh!

Sey niya, “I’ll take u with me and I will always be with u— anywhere, everywhere.”

Medyo witty naman ang ibang netizen na nag-comment at sa picture na pinost ni Ruru, “yon daw pala ang point of view.” Meaning ang “front” ng actor, ha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.