Una sa Balita

Julia negatron ang dating sa mga fan

0 606

Ghosting fave word sa showbiz ngayon

May bago na namang termino ang nauuso, ang “ghosting”. At ang dahilan nito, ang pinag-uusapan pa ring isyu sa pagitan nina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo.

Ghosting daw ang ginawa ni Gerald kay Bea nang magsalita na ang huli na wala silang formal break-up, basta ang alam na lang niya, biglang hindi na siya kinausap ng “boyfriend”.

Kaya ang madalas na hirit ngayon, “Na-ghosting ka ba?” sa mga brokenhearted o hiniwalayan ng “jowa”.

Eh, ang ibang celebrities, updated din talaga sa isyung ito. Obvious din naman kung kanino kampi ang ilan and by this time, malinaw rin siguro kay Julia na dahil sa nangyari, mas marami ang vocal ang suporta kay Bea tulad nina Angel Locsin, Angelica Panganiban at siyempre, ng tiyahin niya na si Gretchen Barretto.

Maging si Paulo Avelino na buong ningning na nag-tweet ng, “Na Bea Alonzo ka na ba bes?” saka sinundan ng hashtag na ghosting.

Napa-reply ng “Heneraaaaaalll!!!” si Angel at si Loisa Andalio naman ay nag-reply sa tweet na ito ni Paulo ng, “Masyado si Heneral ate!!!!!”

Sa mga pangyayari, marami ang pumupuri sa professionalism ni Bea. Na kahit alam ng lahat na may pinagdaraanan ito, tuloy-tuloy lang siya sa trabaho niya tulad ng pag-attend niya ng storycon sa bagong teleserye na pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez.

While, negatibo naman ang dating ni Julia na sa kabila ng imahen niya ngayon bilang “third party” raw sa Bea at Gerald, parang nang-iinis pa raw kasi ang mga Instagram posting.

DANTES BAGONG KAPUSO ANG LEADING LADY

Hindi nagkatotoo ang naging pahayag ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ngayong linggong ito na ia-announce kung sino na nga ang magiging leading lady niya sa “Descendants of the Sun”.

Nang huli naming makausap si Dingdong, nabanggit niya na ngayong linggo, malalaman na kung sino.

So, halos lahat, ang kaka-renew lang muli ng panibagong kontrata bilang isang Kapuso na si Jennylyn Mercado talaga ang naiisip na gaganap bilang si Dra. Kang sa DOTS. Na tulad ng nangyari kay Dingdong nang mag-renew ito ng kontrata at isinabay ang official announcement na siya si Big Boss.

Natapos lahat ng renewal of contract ni Jennylyn, pero walang announcement na naganap. Wala pa raw itong alam tungkol sa DOTS at naka-focus pa rin daw siya ngayon sa primetime series niyang “Love You Two” at “StarStruck” bukod pa sa sisimulan niyang movie with Coco Martin.
Eh, nagsimula nang mag-taping sina Dingdong para sa DOTS. At kung ang “Love You Two” ay may balitang baka hanggang September o hindi mo masabi at mag-extend pa, then, shooting ng movie, hindi nga kaya malabo nang si Jennylyn pa rin sa DOTS?

So, kung hindi si Jennylyn, bagong Kapuso ba ito o bagong lilipat na Kapuso? Huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy