Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia naloka sa ‘Bea’ ni Alex

0 290

Panalo na naman ang latest vlog ni Alex Gonzaga na si Julia Barretto ang guest.

Pero bago ang challenge ni Alex kay Julia, umamin muna ang una na naiinis siya sa mga pinu-post ng dyowa ni Gerald Anderson, na mga photo na walang puson.

Anyway, bukod sa pagtawid sa EDSA, dumayo rin sila sa ‘ukay-ukay’. Ang challenge nga ni Alex kay Julia ay kung keri pa rin ba nitong maging model-model kahit sa ukay-ukay lang gamit ang mga damit nito.

May budget nga silang tag-P1K at pagandahan sila ng mga mabibili.

Anyway, pinakita ni Julia na magaling siyang tumawid ng kalsada. Na hirit pa niya, mas nakakatakot daw manakawan sa EDSA, na naranasan nga noon ni Alex.

Pero ang twist nga sa challenge nila, si Julia ang bibili ng outfit ni Alex, at si Alex ang bibili ng outfit ni Julia.

Kaloka lang si Alex na inamoy ang isang shorts, na sabi nga niya, ‘Bakit may amoy ang pekpek shorts dito?’

Na reaksiyon ni Julia, ‘Yukks, literal na pekpek shorts?’

Chika pa ni Alex, matagal na ang pinagsamahan nila ni Julia. Na si Julia raw ang kaibigan na ayaw sa mga nangba-backstab, habang siya naman daw ay `yon ang hilig.

Pinuri rin ni Alex si Julia na pinaglalaban ang kaibigan, lalo na kung sinisiraan ito ng mga tao sa harap niya.

Anyway, natapos nga ang challenge nila, nakabili na sila ng mga damit. At siyempre, kailangang sukatin nila ang mga binili nila para sa isa’t isa.

In-explain ni Julia kay Alex ang mga nabili niyang damit, na bagay nga raw sa personality nito. Pati na ang isang bra top, dahil si Alex daw ay mahilig maghubad sa vlog.

“Kasi nga gusto kong maging bold star. In-offer nga sa akin noon ang Scorpio Nights, tinanggihan ko lang!” chika pa ni Alex kay Julia.

Nakakaaliw rin silang dalawa na pinaglaruan ang kanilang mga boobs. Na hindi nga raw sila cup C, kundi cup cake raw ang mga boobey nila.

Pero siyempre, sa bawat vlog ni Alex, dapat may nakakabaliw na ganap.

Una muna ay may napili raw siyang damit na terno sina Julia at Gerald. Then, isang pang-ASAP outfit.

Then, may pinili rin siya na pang-Eat Bulaga Lenten special ni Julia.

May pinili rin si Alex na outfit kay Julia na biker shorts, at loose shirt.

May pinili si Alex na damit, na kinaloka ni Julia, hindi dahil sa itsura, kundi dahil sa binanggit niyang pangalan.

“Ito naman, naalala ko noong nag-shampoo commercial ka. At saka, nakita ko na sinuot ito ni Bea!” na siyempre ay kinaloka ni Julia.

“Bea… Bea Binene! Nakita ko ‘tong suot ni Bea Binene ng GMA-7!” sabi ni Alex.

Lokang-loka nga si Julia sa binanggit na pangalan ni Alex, na hindi na lang siya nag-react, at idinaan na lang sa tawa ang reaksiyon niya.

Eh, sinukat na nga ni Julia ang damit na napili ni Alex. At hirit ulit ni Alex, ‘Gustong-gusto mo pala `yung damit na meron si Bea Binene, ha! Hahahaha!”

Siyempre, tawa lang nang tawa si Julia, at pigil na pigil sa mga sasabihin niya. Hirap na nga namang pagsimulan ng intriga ang vlog na ito, ha!

Well…

Liza, James angat ang ganda, kaguwapuhan sa Gold event

Spotted again sina Liza Soberano, James Reid, sa event ng Gold House Co sa Los Angeles.

At hindi na ako nagtaka na super angat na angat ang kagandahan ni Liza sa gold carpet ng naturang event. At siyempre, hindi rin naman nagpakabog si James, na lutang na lutang ang kaguwapuhan sa event na `yon.

Ramdam na ramdam mo nga ang pagiging A-list na mga artista nina Liza at James. Na kahit ihalo mo sa karamihan, na sa kaso ni Liza, pagsuutin mo man siya ng kulay itim na gown, o Filipiniana dress, lumulutang talaga ang kagandahan niya.

At ganun din naman si James, na kulay black na may konting gold at suit, pero iba pa rin ang dating ng mukha niya, lalo na kapag nakangiti.

Si Liza, kahit nakalugay lang ang hair, at halos walang make up, talagang walang duda, angat na angat ang kagandahan.

Oh, again, wag nang lagyan ng malisya, dahil alam naman natin na puro mga kaibigan ang kasama nila. At wala naman silang mga photo na parang naglalambingan, o naghaharutan, ha. Kaswal na kaswal ang mga larawan na magkasama sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.