Una sa Balita

Julia nakikita si Rico Yan kay Joshua

By
0 3,466

Para kay Julia Barretto, bagay sa kanila ni Joshua Garcia ang remake ng movie na Dahil Mahal Na Mahal Kita nina Claudine Barretto at Rico Yan.

Wala pang follow up movie ang kanilang Love You To The Stars and Back na naging commercial at acting success para sa kanila, kaya gusto nga niya na sana ay ito ang gawin nila together.

Para kay Julia perfect movie rin ito sa kanila dahil ang role doon ni Rico ay isang anak mayaman na good boy, samantalang si Claudine ay may pagka-bratinela na kayang-kaya niyang gampanan.

Ito ang movie na kauna-unahang ginawa nina Clau, Rico at Diether Ocampo sa Star Cinema na naging hit sa takilya noon.

Oo nga, kung susuriin, bagay nga sa dalawa ang roles nina Miguel at Mela. Try kaya ng Star Cinema. Who knows, malampasan nito ang kita ng unang pagtatambal ng JoshLia, devah? (Glenn Regondola)