Una sa Balita

Julia nagseselos sa sweetness nina Sharon, Kathryn?

By
0 384

Si Sharon Cuneta na mismo ang nakiusap kay Julia Barretto na huwag itong magselos sa post niya tungkol kay Kathryn Bernardo.

Ayon kasi sa megastar, ngayon lang daw niya nadiskubre kung bakit nasabi ni Direk Olive Lamasan, ni Malou Santos ng Star Cinema at Direk Cathy Garcia-Molina na sobrang bait daw talaga ni Kathryn Bernardo at tama raw sila rito.

Madalas na kasama ni Shawie nga­yon si Kath dahil nga sa movie nila na Three Words To Forever kung saan anak niya si Kath sa movie.

Dito nga niya na-feel ang genuine sweetness at kindness ng box-office princess, love na rin niya ito.
Of course, hindi naman daw nagbago ang pagka-love niya kay Julia na anak din niya sa box-office success na Unexpectedly Yours, kaya ‘wag daw sana magselos o magtampo sa kanya si Jules.

Magkaibang tao man sila, pero ang love niya sa dalawa ay pantay at walang nakakalamang.

Oo nga naman, noh! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy