Una sa Balita

Julia nag-make-up tutorial sa fans

0 366

Nag-live sa Instagram account ang Kapamilya actress na si Julia Barretto kasama ang kanyang kapatid na si Claudia.

Ibinahagi ng aktres ang routine umano nito ‘pag ginagawa nito ang kanyang make-up. Eto ang pagkakasunod-sunod,

1. Concealer
Hindi hilig ng aktres ang paglalagay ng foundation kaya naman ay concealer ang mas gustong gamitin umano nito. Nilalagay niya ito sa ilalim ng kanyang mata, sa ilong, sa baba pati na rin sa kanyang noo.

2. Contour and Bronzer
Dahil malaki ang pisngi ng aktres, nag-contour ito upang magkaroon ng hulma at lumiit tingnan ang kanyang mukha.

3. Blush
Para mag-mukhang fresh, naglalagay ng blush si Julia sa kanyang cheeks at idinudugtong niya ito sa kanyang ilong.

4. Eyeshadow
Neutral colors ang pinipili o hilig ng aktres para sa kanyang mata. Nilalagyan niya ng glitter ang gitna upang mas mabuhay tingnan ang kanyang mga mata.

5. Lipstick
Upang mas magkaroon ng buhay ang kanyang itsura, naglagay ng pulang lipstick si Julia.

(Issa Divina)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More