Una sa Balita

Julia Montes, ‘INAGAW’ si Paulo Avelino kay Ritz Azul 

By
0 172
Paulo at Julia
Paulo at Julia

Ang bongga ni Paulo Avelino dahil bukod sa teleserye n’yang The Promise of Forever with Ritz Azul and Ejay Falcon na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN ay nagte-taping na rin pala s’ya agad-agad ng isa pang bagong soap!

Tumpak, habang ipinapalabas ngayon ang The Promise of Forever (na very first project ni Ritz sa channel 2 na matagal-tagal na nilang naumpisa­hang i-tape) ay may kasunod agad s’yang proyekto na inuumpisahan na!

Asintado ang alam naming working title ng susunod na serye ni Paulo na pagbibidahan din ni Julia Montes bilang leading lady n’ya. Sa title ay parang may temang action ito.

Actually, ka-title nito ang dating indie film na ginawa ni Aiko Melendez nu’ng 2014 na hindi rin naman action pero maganda.

Speaking of Ejay naman, masaya kami na he remains in ABS, kahit co-managed na s’ya ng PPL na talent management ng manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan with Star Magic.

Matapos kasing kumpirmahin ni Ejay noon na nagpa-co-manage s’ya sa PPL ay may naulinigan kami na baka hindi na raw s’ya i-renew ng Star Magic at Dos. Pero nang tanungin namin ang handler n’yang si Alan Real ng Star Magic ay pina­bulaanan n’ya ito hanggang sa umere na nga ang The Promise of Forever at nasundan pa ng pagkakasama n’ya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

On that note, happy kami sa kanilang lahat at sana ay mabigyan din ng susunod na shows si Ritz after their series.