Una sa Balita

Julia malala ang galit kay Joshua

By
0 1,210

Bukod kina McCoy de Leon at Elisse Joson, nag-taping din last Thursday night ang reel and real sweethearts na sina Joshua Garcia at Julia Barretto for “Tonight with Boy Abunda.”

Kung may tensyon sa pagitan ng McLisse, gano’n din that night ang ­JoshLia!

May magpapa-picture sana kay ­Julia, pero may nagsabi na after na raw ng guesting nila dahil wala raw sa mood ang dalaga.

True enough, nang makita namin si Julia sa hallway malapit sa elevator habang hinihintay nila ng kasama niya ang marshal bago pumunta ng restroom sa labas ng mga dressing room ay poker face ito na parang walang nakikita sabay pasok sa banyo.

Tahimik na nagkakatinginan na lang si Joshua at ang mga kasama niya sa ­itsura ng mukha ng kanyang baba (term of endearment nilang dalawa sa isa’t isa) na tila hindi nila alam ang dahilan kung bakit nagkakaganon si Julia. O, ‘di kaya, alam na nila ang dahilan pero tahimik na lang sila.

Malamang sa alamang, may tampuhan o ‘di pagkakaunawaan sina Joshua at Julia that night, kaya naman wala ­silang kibuan bago sumalang sa interview ni Tito Boy. Maging ang magkaiba nilang handlers from Star Magic ay ­present on their side.

Paglabas ng banyo, dere-deretso lang ulit na naglakad si Julia na nakataas ang mukha at malayo ang tingin patungong studio kasama ang team niya without noticing Joshua and his team.

Sabi rin ng mga nakapanood ng ­taping ay hindi nga raw sweet ang JoshLia to each other at hindi rin daw magkasabay at magkahawak-kamay na ­lumabas ng studio kundi magkasunod lang.

Grabe rin pala mag-away ang dalawa! Anyway, like us, they’re only humans, ­after all!

Pero how true na ang ilang grupo ng fans club ni Joshua ay hindi raw bet si Julia dahil may nakarating daw sa kanila dati na pinapalayo diumano ng dalaga ang binata sa mga supporter nito, bagay na hindi raw kayang gawin ng magaling na aktor dahil nu’ng nag-uumpisa pa lang daw siya sa showbiz ay nandiyan na sila for him?