Una sa Balita

Julia malabnaw ang suporta kay Joshua

0 518

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySa gitna nang wala pang opisyal na statement kaugnay sa napapabalitang break-up nina Julia Barretto at Joshua Garcia, tila nananatili pa ring solid ang ugnayan o samahan ng dalawa.

Lalabas ngayong weekend ang anniversary presentation ng “MMK” na pagbibidahan nina Janice De Belen at Joshua. Puspusan ang produksyon ng “MMK” at pati na ang mga artistang kasama rito, sa pangunguna ni Ja-nice sa pagsi-share ng trailer ng kanilang episode.

Nakibahagi rin si Julia sa promo ng award-winning anthology, sa pamamagitan ng pagpu-post niya ng trailer ng episode.

Bagama’t hindi naglagay ng caption si Julia sa pinosteng trailer, ipinalagay ng mga follower nito na okey pa rin sina Joshua at Julia.

Kung totoong not in good terms ang JoshLia, hindi magi-effort si Julia na iposte pa ang trailer ng “MMK.” Pero tumulong pa rin itong mai-promote sa kanyang social media account ang latest TV project ni Joshua.

‘Yun nga lang, hindi matukoy o malaman ng mga follower ng dalawa kung friends na lang o lovers pa rin ang JoshLia.

Medyo malabnaw kasi ang suporta na ‘yon ni Julia kay Joshua, eh. Hindi katulad noon na ‘baba’ ang tawag niya sa binata, at puno ng lambing ang bawat mensahe niya. May mga nagsasabi na plastikada ang dating ng ginawa na ‘yon ni Julia, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy